Inamin ni Luis Manzano na na-miss niya noong Pasko ang ex-dyowang si Angel Locsin. Sabi nga ni Luis, wala siyang masabing pangit kay Angel, dahil talaga raw napakabait na tao nito.
Pero, gustuhin man ni Luis na makasama si Angel ngayong Pasko, hindi na ito mangyayari dahil magkaiba na ang kanilang landas. Pero, hinding-hindi raw kakalimutan ni Luis na batiin ng Merry Christmas si Angel.
Siyanga pala, tutol na tutol pa rin si Luis sa bansag sa kanya na playboy. Ang pagiging babaero nga raw ni Luis ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong girlfriend, o hindi nagiging successful ang relationship nito.
Sabi ni Luis, sumpa sa kanilang mga Manzano ang image na playboy. Eh, hindi naman daw `yon totoo.
Nagpapasalamat nga si Luis kay Kris Aquino dahil palagi raw siyang ipinagtatanggol nito. Sabi nga raw ni Kris, si Luis ang tipo ng lalake na puwedeng pagkatiwalaan.
Sa 2011 ay ini-expect ni Luis na magkaka-girlfriend na siya.
Itinanggi nga pala ni Luis ang tsismis sa kanila ni Maricar Reyes. Weird daw ang tsismis sa kanila ni Maricar, dahil wala raw talagang basehan.
Nag-sorry na raw siya kay Maricar nung magkita sila sa Star Magic Ball.
Siyanga pala, kung may dapat ipagpasalamat si Luis, ‘yun ay ang pagiging fruitful ng kanyang career.
Sabi nga, dahil sa dami ng raket ni Luis, tila nakaipon na ito ng P500M para sa taong 2010.
Hindi naman itinanggi ni Luis na malaki-laki na rin ang ipon niya. At itinanggi rin niya na kuripot siya, dahil bumibili rin naman daw siya ng mga mamahaling items para sa sarili niya.
Ang pagiging masinop sa pera ang isa sa mga natutunan ni Luis sa tatay niyang si Edu Manzano.
Anyway, busy si Luis ngayon sa syuting ng pelikula nila ni Anne Curtis, ang Who’s That Girl? ng Viva Films.
Panay nga ang biro ni Luis kay Anne na kaya niya itong bigyan ng mga magagandang anak kung papayag lang ito. Siyempre, tinatawanan lang ni Anne ang mga biro ni Luis.
Pero, ipinaalala ni Anne na may usapan na sila ni Luis, na kung dumating ang panahon na muling magningas ang pag-iibigan nilang dalawa, at sa panahong ‘yon ay pareho silang libre, sa kasal na raw agad ang tuloy nila.
Menudo ang paboritong pagkain ni Dingdong Dantes ngayon at ipinagluluto siya minsan nito ni Marian Rivera. Nu’ng huli naming makausap ang bida ng Super Inday & The Golden Bibe, biniro namin siya kung masarap bang kumain si Dong. “Ganadung-ganado siya kung kumain! Ayyyyy! Eeeeehhh! Ha! Ha! Ha! Kumain, huh!” bulalas niya sa amin. Nahilig ba siyang magluto dahil kay Dingdong? “Hindi! Hilig ko na talagang magluto! Pag hindi busy ang schedule ko, nagluluto ako. Siya naman ang nag-eengganyong magluto ako!” sagot niya. Sa luto niya, maganang kumain si Dong? “Maganang-magana! With Vitamin C!” diin niya. Teka nga, willing ba siyang makipag-work sa ex boyfriend niyang si Ervic Vijandre? “Wala naman kaming problema ni Ervic. Siya ang tanungin. Kami ni Dong, hindi namin iiwan ang past namin nang hindi maayos! So kami ni Ervic, walang problema kahit magsama kami sa trabaho. But still, si Popoy (Caritativo) pa rin ang magdi-decide sa career ko,” rason ni Yan-Yan. Napansin ba niyang mas guwapo si Ervic ngayon? “Hindi! Kasi wala nang guguwapo sa akin kundi si Dingdong! Sorry, pero ‘yon ang totoo!” deklara ni Marian.[from abante-online]
Kinumpirma naman sa amin ni Bea na kasaluku-yang lumalabas o nagde-date sila ni Zanjoe Marudo! Nu’ng birthday ng aktor last July, nakita namin silang magkasama sa Resorts World with ABS-CBN TV executive Deo Endrinal and their handler Monch Novales.
Inisip na lang namin noon na kaya siguro sila magkasama dahil iisa ang handler nila.Pero later on, every time na nakikita namin si Zanjoe, lagi s’yang busy sa text. Si Bea kaya talaga ang madalas n’yang ka-text?
Kung totoo man talaga ang chikang ‘to at pag-amin ni Bea, at least, hindi na malamig ang Pasko ng dalawa, matapos magkahiwalay ng landas nina Zanjoe at Mariel Rodriguez at nina Bea at Gerald Anderson na diuman’oy naging mag-on!
Ano kaya ang reaksyon dito nina Mariel, Gerald at Kim Chiu? Pati si Kim talaga, oh!
Walang maikuwento si Glaiza de Castro sa kanyang personal na buhay dahil puro trabaho raw ang ginagawa niya. Kaya ang kuwento na karelasyon na raw niya si Felix Roco ngayon ay isang malaking tsismis lamang.
“Actually, nagulat ako nang tinatanong na ako regarding si Felix. Boyfriend ko na raw ba? Natawa lang ako kasi si Felix, matagal ko nang barkada. Silang dalawa ng kambal niyang si Dominic, matagal na kaming magkakakilala kasi barkada nila ang brother ko na si Alchris (Galura).
“Before kasi noong hindi pa ako sobrang busy, lumalabas kami ng mga ‘yan. Kasama rin ang ibang friends namin, madalas sa coffee shop kami or kakain kami sa labas.
“Ngayon kasi, wala nga akong masyadong time kasi halos araw-araw ang taping namin ng Grazilda.
Kaya nagulat ako noong mabalitang nakita raw kami ni Felix na nagde-date. Kelan kaya ‘yon? Kasi matagal na akong hindi nakakasama sa kanila. Puro text lang kami or sa Twitter na lang kami nakakapag-usap.
“Friends lang kami talaga ni Felix. At saka, wala naman akong nararamdaman na gusto niyang manligaw sa akin,” sey ni Glaiza.
Si Glaiza nga ang tinuro sa naging lover’s quarrel kamakailan nina Carla Abellana at ng leading man niyang si Geoff Eigenmann.
“Bakit naman ako? Parang hindi naman bagay! Ha! Ha! Ha! Ha!”
“Si Geoff panay kuwento niya sa akin ng tungkol kay Carla. Kaya hindi puwedeng maging third party ako.
“At saka, nagkakausap kami parati ni Carla. Kaya alam niya na wala akong kinalaman sa anumang pinagdaanan nila. Pero okey na naman na sila.”
Anyway, maganda rin naman ang rapport ni Glaiza with Daniel Matsunaga sa Grazilda. Inunahan na nga ni Glaiza ang mga intrigero’t intrigera na walang dapat na ikaselos ang girlfriend ni Daniel na si Heart Evangelista sa kanya.
“Kaibigan ko rin si Heart at nagtu-tweet siya sa akin kapag nakakapanood siya ng Grazilda. Sobrang in-love si Daniel kay Heart. Kinikilig kaming lahat sa set para sa kanilang dalawa,” pagtatapos pa ni Glaiza.
PAGKATAPOS ng mahabang litanya ni Cristine Reyes ay si Angelica Panganiban naman ang sumunod na may pasaring sa Twitter nu’ng Linggo.
“Naloloka ako... Ang important ko!!! Grabe! Damang-dama ko sa pagpapahalaga n’yo sa ‘kin. Palakasan talaga dito sa industriyang ‘to!!” ang unang tweet ni Angelica.
Sunod niyang tweet, “Kaya ‘di umuunlad eh... Palakasan lang. Palakasan!!! Echusera! Mapapansin ka lang ‘pag galit ka na talaga. Kailangan pa bang umabot du’n?”
Dahil mainit pang pinag-uusapan ang mga pasabog ni Cristine nu’ng mga oras na ‘yon, akala ng marami ay may kaugnayan doon ang mga tweet ni Angelica.
Paglilinaw niya, “‘Di ko alam na may gulo palang iba sa Twitter ngayon. So, bukas ko na lang itutuloy ‘yung init ng ulo ko. Sila muna ngayon.”
Tapos ay ni-ReTweet ni Angelica ‘yung isang message ng isa niyang follower na nagsabing, “Nu’ng ikaw inaaway ni Clau (Claudine Barretto), tikom ka. Tapos now, ‘di naman ikaw inaaway, nakikialam ka... ‘wag na palakihin, pls.”
Sagot dito ng nobya ni Derek Ramsay, “Saan ka nanggagaling? Ikaw, may problem ka ba? Kasi ako, mabigat. So, ‘wag ka nang sumali. ‘Di naman kita kilala.”
Ang sumunod na tweet ni Angelica ay, “Ganda ng status ko sa pezbuk! Pag dito ko nilagay, baka meeting kaagad ako bukas. Ha! Ha!!!”
Ang huling tweet niya ay, “Ano itong team team kyeme? Wala akong team! ‘Di ako sumali ng volleyball o basketball. ‘Di ako interested sa away nila.
“Kaya na nila ‘yan. So, feeling n’yo, ‘pag may tweet tonight, inaaway na kaagad si Sarah o Cristine? Labo n’yo meyn!!! Ha! Ha! Ha!”
Hanggang sa tinitipa namin ito kahapon nang hapon ay wala pa ‘yung ipinangakong tweet ni Angelica tungkol sa dahilan ng pag-init ng ulo niya.
[from abante-tonite.com]
This is the first time I've come across her name, but I guess her star is on the rise now, given that she's the leading lady of Vic Sotto in 'Si Agimat at Si Enteng '.
And in fairness, pretty sya teh!
Blangko ang reaksyon pero halatang nag-isip nang malalim si Gwen Zamora nang tanungin siya sa presscon ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote tungkol sa pagkakaugnay ng kanyang mga pangalan kina Boy2 Quizon at Ervic Vijandre.
“Sinabi niya ‘yon?” ang balik-tanong na sagot ni Gwen nang itanong sa kanya ang kuwento na nagsalita siya kay Ervic ng “Huwag mo akong gamitin (para sumikat ka)”.
May sizzling issue tungkol kina Boy2 at Gwen pero patay-malisya ito nang mabanggit ang pangalan ng kasamahan niya sa Bubble Gang.
Si Gwen ang leading lady ni Vic Sotto sa Si Agimat at Si Enteng at ito ang biggest break niya sa showbiz.
Sa presscon ng pelikula, parang pinaglaruan ni Vic si Gwen dahil pinaulit niya ng dalawang beses ang reaksyon ng baguhang aktres nang malaman nito na siya ang napili para gumanap bilang bagong Faye sa buhay ni Enteng.
[from abante.com.ph]
Two days after sultry actress Cristine Reyes vented her anger against Popstar Princess Sarah Geronimo on the microblogging site Twitter, a number of people who are implicated to the rift of the two finally spoke up.
ASAP XV mainstay and dancer Gab Valenciano happened to be rehearsing with John Prats and Rayver Cruz on the day when Geronimo allegedly made the statements which raged Reyes. According to him, he heard Geronimo mentioning “sexy actress.” “I think I heard something like that but I’m sure she was not making tukoy,” he said.
He, however, clarified that the Popstar Princess did not mean to insinuate something. “I was on stage with Rayver and John. Actually parang hindi naman siya parinig eh. Parang it was more, siyempre close sila ni John, so I think was more pa-joke talaga. It was mostly about how guwapo John Prats was,” Valenciano stated.
Meanwhile, Viva Artists Agency, which manages both Geronimo and Reyes, also released a statement through Veronique del Rosario-Corpuz regarding the tiff.
“In Viva, we are praying and hoping na magkaayos since it’s Christmas season. But in time, kung kailan ready na ang both parties,” the statement said.
On Sunday, an apparently irked Reyes voiced out her anger against Geronimo. Although she did not actually name the latter, she hinted that the object of her fury is a "drama princess" in the entertainment industry with a "goody image."
Suspicions that she was referring to the Box Office Queen were only confirmed after the Geronimo’s personal assistant, Anna Dasig, spoke up in defense of the actress-singer.
Also on Twitter, Dasig said Reyes shouldn’t have given meaning to Geronimo’s statement about how a man is always being chased by a sexy woman if he is a good dancer.
Based on the sultry actress's tweets, it was that remark that caught her ire.
Showbiz insiders said Geronimo made the remark during the dress rehearsals for the musical variety show “ASAP XV.”
Reyes, who was once voted as FHM’s sexiest woman, went steady with Cruz.
Cruz was linked to Geronimo, lead star of “A Very Special Love” and “You Changed My Life,” but they both denied any romantic relationship.
[from abs-cbnNEWS.com]
Although I am not Sarah Geronimo's avid fan, I think all cyber-bullies should go to hell (excluding me of course, CHOS!)
Sexy actress Cristine Reyes blew her top on Sunday over a snide remark that was allegedly made behind her back by her female co-host on musical variety show “ASAP XV.”
Reyes took to the microblogging website Twitter to vent her anger against a female co-host whose name Reyes did not reveal. She hinted, however, that the object of her fury is a "drama princess" in the entertainment industry with a "goody image"
Based on Reyes' tweets, what caught her ire was when the female co-host purportedly said during rehearsals for “ASAP XV” that a sexy woman would also chase a guy who is a good dancer.
Someone apparently told Reyes, lead star of television series “Kristine,” about the remark and she took offense, leading her to post angry tweets.
Reyes, who was once voted as FHM’s sexiest woman, went steady with actor Rayver Cruz, who is also known for his dancing skills.
Cruz has been romantically linked to actress-singer Sarah Geronimo. Rumor has it that Cruz and Geronimo became a couple, but the 2 young stars denied it.
Below are some of Reyes' controversial tweets:
“I AM SO PISSED RIGHT NOW!”
“Hindi ko gusto yun banat ng drama princess porket wala ako sa ASAP XV.akala mo ba e hindi makakarating sakin? Punong puno na ako sayo.”
“Pagmamagaling magsayaw habulin ng mga babaeng sexy... FYI mali ka ng dialogue e baka habulin mo. Ikaw ang naghabol! binreak ka nga e!”
“nakikipaghiwalay sayo Ikaw ang habol ng habol! Alam mo yan! Alam mo ang TOTOO!!! Sa microphone m pa sinabi para marinig lahat ng artista!”
“pakabait ng image mo Hindi nila alam Grabe ka Lang umarte! ”
“wag na wag mong sasabihin na ako ang naghabol dahil alam nating lahat na Ikaw ang halos mamatay sa kakahabol! alam mo yan!”
"Nagpapatanggal ka ng artista sa asap kasi Di mo kaya makasama! Arte mo!”
"What a backstabber with a super goody goody image and super sweet smile!"
"Wag mo ko paparinggan at sasabihan ng walang katotohanan wag mo ko simulan kasi marami ako alam na kaartehan mo! IDOL pa naman kita!"
[from abs-cbnNEWS.com]
Maggie and Victor from Jason Magbanua on Vimeo.
Tubig..pahingi ng tubiiiggggg...*sabay walk-out*
Bigyan nyo ng SUPER COLD ice lemonade ang ulo ni Tita Anabelle. Dali!
NAIKUWENTO sa amin ng isang taong malapit kay Heart Evangelista na nakatanggap daw ito ng demand letter mula sa abogado ni Tita Annabelle Rama.
Ito pa rin ang isyung paglabas ni Heart sa fashion show ni Inno Sotto na hindi ipinarating kay Tita Annabelle.
Hindi lang si Heart ang nakatanggap ng naturang letter kundi pati ang mommy nito at si Inno.
Nakausap namin si Tita Annabelle kahapon at binigyan daw sina Heart ng sampung araw na sagutin ang naturang sulat.
Depende raw sa sagot ng kampo nina Heart at Inno, pag-aaralan ng abogado ni Tita Annabelle kung itutuloy nila ang pagsasampa ng kaso.
Breach of contract daw iyun dahil hanggang ngayon ay manager pa rin ni Heart si Tita Annabelle.
Matagal na naming natanong kay Heart ang tungkol sa isyung ito at nagulat siya dahil wala raw bayad iyun.
Sumali lang daw siya sa fashion show na iyun dahil kay Inno at maganda ang exposure na ibinigay sa kanya.
“Hindi ako naniniwala na walang bayad ‘yan, dong! Kilala ko ang nanay niyan, hindi papayag iyan na walang bayad!” tili sa amin ni Bisaya.
“Kabastusan ‘yan, eh! Ako ang nagpasikat sa babaeng ‘yan! Ako ang nag-asikaso sa career niya!”
Wala pa raw muna siyang maidagdag pa sa ngayon dahil hinihintay lang daw niya kung anong ipapayo sa kanya ng abogado niya.
Nilinaw na rin sa amin ni Tita Annabelle na hindi raw talaga kasali si Ruffa Gutierrez sa show na iyan.
Wala raw nag-imbita sa kanila at wala raw kamalay-malay si Ruffa na isasali pala dapat siya roon.
Nagulat lang daw siya na may mga kaibigan itong tumawag sa kanya na hinahanap doon si Ruffa.
Marami raw silang mga kakilala na nanood ng fashion show na iyun dahil ang buong akala raw nila, may participation ang mga anak nito, pero wala raw nagsabi sa kanya.
Si Ruffa naman daw ang isa sa mga taga-showbiz na unang customer ni Inno.
Ang pagkakaalam daw niya, dapat na manonood doon si Raymond pero hindi na raw ito tumuloy.
Patuloy pa rin ang bangayan nina Tita Annabelle at Heart, pero sinabihan na kami ng ina nito na hindi na sila magsasalita ng kahit ano kapag tungkol kay Tita Annabelle.
[from abante-tonite.com]
[via TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis]
Hindi dapat sineryoso noon ang word war ng estranged couple na sina Kris Aquino at James Yap.
Kita n’yo naman, panay ang pagpapalitan nila noon ng mga maanghang na salita pero ano ang ending? Magkasundo na sila at pumayag pa si James na umapir sa filmfest movie ng kanyang ex-misis. May lakas pa ng loob si James na mag-dialogue kay Kris ng “Nami-miss mo ako ’no?”
Ang moral of the story, huwag pakialaman o makisangkot sa away ng mag-asawa dahil darating ang panahon na magkakasundo sila at ang mga tao na nakisawsaw sa isyu ang magmumukhang kontrabida!
Ewan ko lang kung ikinonsulta ni James sa kanyang lawyer na si Atty. Lorna Kapunan ang pag-apir niya sa pelikula ni Kris. Si Atty. Kapunan ang spokesperson ni James at siya ang sumasagot noon sa mga paratang ni Kris laban sa kanyang kliyente. Ang ending, friends sina Kris at James at hindi natutuwa si Kris sa madalas na pagpapainterbyu noon ni Atty. Kapunan.