mahaderangusyosera Sunday, December 26, 2010


[from abante.com]

Inamin ni Luis Manzano na na-miss niya noong Pasko ang ex-dyowang si Angel Locsin. Sabi nga ni Luis, wala siyang masabing pangit kay Angel, dahil talaga raw napakabait na tao nito.


Pero, gustuhin man ni Luis na makasama si Angel ngayong Pasko, hindi na ito mangyayari dahil magkaiba na ang kanilang landas. Pero, hinding-hindi raw kakalimutan ni Luis na batiin ng Merry Christmas si Angel.


Siyanga pala, tutol na tutol pa rin si Luis sa bansag sa kanya na playboy. Ang pagiging babaero nga raw ni Luis ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong girlfriend, o hindi nagiging successful ang relationship nito.


Sabi ni Luis, sumpa sa kanilang mga Manzano ang image na playboy. Eh, hindi naman daw `yon totoo.


Nagpapasalamat nga si Luis kay Kris Aquino dahil palagi raw siyang ipinagtatanggol nito. Sabi nga raw ni Kris, si Luis ang tipo ng lalake na puwedeng pagkatiwalaan.


Sa 2011 ay ini-expect ni Luis na magkaka-girlfriend na siya.


Itinanggi nga pala ni Luis ang tsismis sa kanila ni Maricar Reyes. Weird daw ang tsismis sa kanila ni Maricar, dahil wala raw talagang basehan.


Nag-sorry na raw siya kay Maricar nung magkita sila sa Star Magic Ball.


Siyanga pala, kung may dapat ipagpasalamat si Luis, ‘yun ay ang pagiging fruitful ng kanyang career.

Sabi nga, dahil sa dami ng raket ni Luis, tila nakaipon na ito ng P500M para sa taong 2010.


Hindi naman itinanggi ni Luis na malaki-laki na rin ang ipon niya. At itinanggi rin niya na kuripot siya, dahil bumibili rin naman daw siya ng mga mamahaling items para sa sarili niya.


Ang pagiging masinop sa pera ang isa sa mga natutunan ni Luis sa tatay niyang si Edu Manzano.


Anyway, busy si Luis ngayon sa syuting ng pelikula nila ni Anne Curtis, ang Who’s That Girl? ng Viva Films.


Panay nga ang biro ni Luis kay Anne na kaya niya itong bigyan ng mga magagandang anak kung papayag lang ito. Siyem­pre, tinatawanan lang ni Anne ang mga biro ni Luis.


Pero, ipinaalala ni Anne na may usapan na sila ni Luis, na kung dumating ang panahon na muling magningas ang pag-iibigan nilang dalawa, at sa panahong ‘yon ay pareho silang libre, sa kasal na raw agad ang tuloy nila.


mahaderangusyosera


[from abante-online]

Menudo ang paboritong pagkain ni Dingdong Dantes ngayon at ipinagluluto siya minsan nito ni Marian Rivera. Nu’ng huli naming makausap ang bida ng Super Inday & The Golden Bibe, biniro namin siya kung masarap bang kumain si Dong.

“Ganadung-ganado siya kung kumain! Ayyyyy! Eeeeehhh! Ha! Ha! Ha! Kumain, huh!” bulalas niya sa amin.

Nahilig ba siyang magluto dahil kay Dingdong?

“Hindi! Hilig ko na talagang magluto! Pag hindi busy ang schedule ko, nagluluto ako. Siya naman ang nag-eengganyong magluto ako!” sagot niya.

Sa luto niya, maganang kumain si Dong?

“Maganang-magana! With Vitamin C!” diin niya.

Teka nga, willing ba siyang makipag-work sa ex boyfriend niyang si Ervic Vijandre?

“Wala naman ka­ming problema ni E­rvic. Siya ang tanungin. Kami ni Dong, hindi namin iiwan ang past namin nang hindi maayos! So kami ni Ervic, walang problema kahit magsama kami sa trabaho. But still, si Popoy (Caritativo) pa rin ang magdi-decide sa career ko,” rason ni Yan-Yan.

Napansin ba niyang mas guwapo si Ervic ngayon?

“Hindi! Kasi wala nang guguwapo sa akin kundi si Dingdong! Sorry, pero ‘yon ang totoo!” deklara ni Marian.



mahaderangusyosera


[from pinoyparazzi.com]


Kinumpirma naman sa amin ni Bea na kasaluku-yang lumalabas o nagde-date sila ni Zanjoe Marudo! Nu’ng birthday ng aktor last July, nakita namin silang magkasama sa Resorts World with ABS-CBN TV executive Deo Endrinal and their handler Monch Novales.
Inisip na lang namin noon na kaya siguro sila magkasama dahil iisa ang handler nila.

Pero later on, every time na nakikita namin si Zanjoe, lagi s’yang busy sa text. Si Bea kaya talaga ang madalas n’yang ka-text?
Kung totoo man talaga ang chikang ‘to at pag-amin ni Bea, at least, hindi na malamig ang Pasko ng dalawa, matapos magkahiwalay ng landas nina Zanjoe at Mariel Rodriguez at nina Bea at Gerald Anderson na diuman’oy naging mag-on!
Ano kaya ang reaksyon dito nina Mariel, Gerald at Kim Chiu? Pati si Kim talaga, oh!

mahaderangusyosera Saturday, December 25, 2010


Happy Happy Christmas and Merry New Year To Us All!

mahaderangusyosera


[from abante.com.ph]

Walang maikuwento si Glaiza de Castro sa kanyang personal na buhay dahil puro trabaho raw ang ginagawa niya. Kaya ang kuwento na karelasyon na raw niya si Felix Roco ngayon ay isang malaking tsismis lamang.


“Actually, nagulat ako nang tinatanong na ako regarding si Felix. Boyfriend ko na raw ba? Natawa lang ako kasi si Felix, matagal ko nang barkada. Silang dalawa ng kambal niyang si Dominic, matagal na kaming magkakakilala kasi barkada nila ang brother ko na si Alchris (Galura).


“Before kasi noong hindi pa ako sobrang busy, lumalabas kami ng mga ‘yan. Kasama rin ang ibang friends namin, madalas sa coffee shop kami or kakain kami sa labas.
“Ngayon kasi, wala nga akong masyadong time kasi halos araw-araw ang taping namin ng Grazilda.

Kaya nagulat ako noong mabalitang nakita raw kami ni Felix na nagde-date. Kelan kaya ‘yon? Kasi matagal na akong hindi nakakasama sa kanila. Puro text lang kami or sa Twitter na lang kami nakakapag-usap.


“Friends lang kami talaga ni Felix. At saka, wala naman akong nararamdaman na gusto niyang manligaw sa akin,” sey ni Glaiza.


Si Glaiza nga ang tinuro sa naging lover’s quarrel kamakailan nina Carla Abellana at ng leading man niyang si Geoff Eigenmann.


“Bakit naman ako? Parang hindi naman bagay! Ha! Ha! Ha! Ha!”


“Si Geoff panay kuwento niya sa akin ng tungkol kay Carla. Kaya hindi puwedeng maging third party ako.


“At saka, nagkakausap kami parati ni Carla. Kaya alam niya na wala akong kinalaman sa anumang pinagdaanan nila. Pero okey na naman na sila.”


Anyway, maganda rin naman ang rapport ni Glaiza with Daniel Matsunaga sa Grazilda. Inunahan na nga ni Glaiza ang mga intrigero’t intrigera na walang dapat na ikaselos ang girlfriend ni Daniel na si Heart Evangelista sa kanya.


“Kaibigan ko rin si Heart at nagtu-tweet siya sa akin kapag nakakapanood siya ng Grazilda. Sobrang in-love si Daniel kay Heart. Kinikilig kaming lahat sa set para sa kanilang dalawa,” pagtatapos pa ni Glaiza.