mahaderangusyosera Thursday, November 11, 2010


Madame Shalani, meron kanang isasagot sa pang Miss Universe na tanong na ito: What was the BIGGEST MISTAKE you've ever done in your entire life. *BOW*

Serbisyo-publiko pa rin daw para sa konsehala ng Valenzuela City na si Shalani Soledad ang pagtanggap niya sa alok ni Willie Revillame na maging co-host sa kanyang pang-araw-araw na programang Willing Willie.

At kahapon nga, Nobyembre 8, ay ipinakilala na ang newbie TV host bilang "puso" ng programa na inilunsad noong Oktubre 23 lamang.

Habang pinakikilala si Shalani kagabi, sinabi ni Willie, "Alam mo, Shalani, kailangan ka ng sambayanang Pilipino. Kailangan ka namin sa programa, para mas mapalawak pa namin yung pagbibigay ng saya at tulong sa kanila... So this time, magkasama tayo. Balewala naman lahat ng ito, e, kung hindi sila ang kasama natin.

"At salamat sa pagtanggap mo, hindi naman sa amin. Ako lang ang tulay ng mga taong gustong makasama't makilala ka pa. Salamat, dahil ako lang ang naging boses nila. Pero ang totoong may hiling sa 'yo, hindi ako, kundi ang sambayanang Pilipino."

Halos ganito rin ang naging sagot ni Shalani nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng show kagabi kung bakit siya pumayag na maging co-host ni Willie.

Aniya, "Siguro, kapag titingnan mo rin, marami pa ring questions. Kasi, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala that I am also here.

"Pero noong kinausap kasi namin si Willie, naramdaman ko 'yong sincerity ng offer. This is not about Willie, this is not about me, but it's more on kung ano ang magagawa para sa tao."

MGA PAGHAHANDA. Ayon kay Shalani, ilang beses din ang naging pag-uusap nila ni Willie bago siya pumayag na maging parte ng programa noong Biyernes, Nobyembre 5.

"This has been a series, 'no? Medyo matagal din. Then, finally, Friday night, nag-usap kami nina Willie. Then, on Saturday when we said yes, nag-visit na kami sa studio," kuwento ni Shalani.

At noong Sabado nga ay nagsimula na rin si Shalani na mag-rehearse para sa Willing Willie.

"We had one on Saturday night and kanina ulit before mag-start ang show," sabi niya.

"Pero kung tinatanong ninyo kung ano ang naging preparation ko aside from the rehearsal, sabi ko nga doble-doble ang dasal na ginawa ko."

Kung tutuusin, hindi ito ang unang pagsabak ni Shalani sa mundo ng telebisyon. Dati na siyang naging host ng morning talk show ng UNTelevision. Gayunman, ayon kay Shalani, bago pa rin ang Willing Willie para sa kanya.

Dagdag ni Shalani, "Siyempre, kinakabahan ako because this is a different show and different format. Although before, nag-UNTV rin ako. 'Yong show namin sa UNTV before is a morning show so more on current events and commentaries. So, totally different ito."

Sa kabila nito, siniguro naman ni Shalani na hindi makakaapekto ang trabaho niya sa Willing Willie sa pagiging konsehala niya sa ikalawang distrito ng Valenzuela.

"It won't really affect din naman because ang sessions din naman na pinupuntahan natin ay more on legislations naman."

Kailangan pa ng paglilinaw ito, pero sa ngayon ang tinanong ng PEP ay kung hindi ba siya mapapagod dahil bukod sa pagiging pulitiko, magiging araw-araw na rin ang kanyang trabaho sa Willing Willie?

Ngumiti si Shalani at sinabi, "Hindi ba, kapag gusto mo naman ang ginagawa mo, hindi ka naman maaapektuhan ng pagod."

[from pep.ph]

0 comments:

Post a Comment