Showing posts with label angel locsin. Show all posts
Showing posts with label angel locsin. Show all posts
mahaderangusyosera
Sunday, December 26, 2010
Inamin ni Luis Manzano na na-miss niya noong Pasko ang ex-dyowang si Angel Locsin. Sabi nga ni Luis, wala siyang masabing pangit kay Angel, dahil talaga raw napakabait na tao nito.
Pero, gustuhin man ni Luis na makasama si Angel ngayong Pasko, hindi na ito mangyayari dahil magkaiba na ang kanilang landas. Pero, hinding-hindi raw kakalimutan ni Luis na batiin ng Merry Christmas si Angel.
Siyanga pala, tutol na tutol pa rin si Luis sa bansag sa kanya na playboy. Ang pagiging babaero nga raw ni Luis ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong girlfriend, o hindi nagiging successful ang relationship nito.
Sabi ni Luis, sumpa sa kanilang mga Manzano ang image na playboy. Eh, hindi naman daw `yon totoo.
Nagpapasalamat nga si Luis kay Kris Aquino dahil palagi raw siyang ipinagtatanggol nito. Sabi nga raw ni Kris, si Luis ang tipo ng lalake na puwedeng pagkatiwalaan.
Sa 2011 ay ini-expect ni Luis na magkaka-girlfriend na siya.
Itinanggi nga pala ni Luis ang tsismis sa kanila ni Maricar Reyes. Weird daw ang tsismis sa kanila ni Maricar, dahil wala raw talagang basehan.
Nag-sorry na raw siya kay Maricar nung magkita sila sa Star Magic Ball.
Siyanga pala, kung may dapat ipagpasalamat si Luis, ‘yun ay ang pagiging fruitful ng kanyang career.
Sabi nga, dahil sa dami ng raket ni Luis, tila nakaipon na ito ng P500M para sa taong 2010.
Hindi naman itinanggi ni Luis na malaki-laki na rin ang ipon niya. At itinanggi rin niya na kuripot siya, dahil bumibili rin naman daw siya ng mga mamahaling items para sa sarili niya.
Ang pagiging masinop sa pera ang isa sa mga natutunan ni Luis sa tatay niyang si Edu Manzano.
Anyway, busy si Luis ngayon sa syuting ng pelikula nila ni Anne Curtis, ang Who’s That Girl? ng Viva Films.
Panay nga ang biro ni Luis kay Anne na kaya niya itong bigyan ng mga magagandang anak kung papayag lang ito. Siyempre, tinatawanan lang ni Anne ang mga biro ni Luis.
Pero, ipinaalala ni Anne na may usapan na sila ni Luis, na kung dumating ang panahon na muling magningas ang pag-iibigan nilang dalawa, at sa panahong ‘yon ay pareho silang libre, sa kasal na raw agad ang tuloy nila.

Labels:
angel locsin,
anne curtis,
asap,
luis manzano,
who's that girl
mahaderangusyosera
Tuesday, November 16, 2010
Nanguna ang mga naglalakihang celebrity endorsers ng sikat na brand na Folded & Hung (F & H) na sina Sam Milby, Angel Locsin at Anne Curtis sa pagparada ng summer 2011 collection ng fashion brand kamakailan sa SMX Convention Center.
Sa fashion show na pinamagatang Streetcast, ipinakita ang mga casual street style ng F & H na patok kina Sam at Angel samantalang ang fragrant scents na ine-endorso naman ni Anne ang huma limuyak sa venue.
Naging tema ng koleksiyon ang roots ng American fashion na angkop sa ating bansa tulad ng resort shirts, cargos Henley tees at maong para sa mga kalalakihan samantalang ang vintage long dresses, denim shorts at lace-tiered skirts naman ang para sa kababaihan.
Rumampa rin sa Streetcast sina Tim Yap, Luis Alandy, Divine Lee, GMA Artist Center’s Princess Snell, Luane Dy, Gretchen Espina at Prince Stefan, kasama rin sina Isabelle Abreira, Helga Krapf, Kazel Kinouchi, April Sun, Fretzie Bercede, Thara Jordana, Julz Savard at Rachel Bustamante ng Star Magic. Naging bahagi rin sina Lance Christopher, Jose Sarasola, Xian Lim, Enrique Gil, JP, at JM Lagumbay.
Nasilayan din ang TV sensation na si Maja Salvador kung san nirampa niya ang latest summer collection ng Jellybean, sister brand ng Folded & Hung.








Labels:
angel locsin,
anne curtis,
f and h,
folded and hung,
hideo muraoka,
kenji shirakawa,
maja salvador,
mark whittington
mahaderangusyosera
Thursday, November 11, 2010
Actress Angel Locsin revealed that her family is now receiving death threats after her niece’s brutal murder in Cebu province last week.
The “Imortal” actress’s relative, 28-year-old Rachelle Sansan, was murdered in her residence in Barangay Perrelos, Carcar town in Cebu City.
Investigators said the victim's 44-year-old husband, Fernando Sansan, is being eyed as the prime suspect in the killing.
Rachelle is the granddaughter of Locsin’s aunt.
In an exclusive interview with ABS-CBN News, Locsin said Fernando is purportedly threatening to harm her and her family through text messages.
“Kapag hindi daw kami tumigil sa kasasalita may gagawin siya sa amin. Hindi ako natatakot sa iyo. Hindi ako natatakot, alam kong mahuhuli ka,” she said.
The actress was emotional during her interview where she described how her niece was tortured before she was murdered.
She said Rachelle, who was badly beaten and was almost decapitated, was treated worse than an animal.
“Nakakagulat kasi kung nakita ninyo lang talaga kung paano ang ginawa niya kay Ate Chelle. Pinutol ang mga daliri, binugbog. Sabi nga kahit bugbog lang puwede na siyang mamatay doon,” she said.
“Pagkatapos niyang bugbugin, marami siyang tama ng saksak gamit ang jungle bolo. Mayroon siyang seven fatal wounds sa buong katawan, tagusan sa puso, sa likod sa lahat. Yong leeg niya muntikang maputol,” she added.
She said she could not understand how anyone can harbor such hate toward someone he claimed he loved.
She appealed to the authorities to take action as Fernando still remains at large. She said she and her family are afraid Fernando will flee the country.
“Tumakas ang taong ito gamit ang kotse ni Ate Chelle, kasama ang nanay niya. Nakita ang kotse sa medyo malayong part na ng Cebu. Nakita ang nanay, sumuko na. Pero ngayon nakawala, nakapag-bail,” she said.
She also called on Fernando to come forward and surrender. She vowed no let-up in their efforts until he is captured.
The actress is also prepared to give a reward to anyone who can give information that would lead to his arrest.
Battered wife
Rachelle, according to Locsin, ran away from home because she was a battered wife. She said she went home on the day of the murder only to get some money.
“I'm not sure kung ilang weeks or months na siyang hindi umuuwi sa bahay na yon. Noong nalaman niyang wala doon ang asawa niya, pumunta siya kasi wala na siyang pera sa bangko, winidraw lahat,” she said.
“So, hinahanap niya ang papeles niya, ang mga pamana sa kanya… Tumawag daw ang nanay, inabutan siya doon, ginulpi. Paggulpi sa kanya nag- blood clot na ang mukha niya so pinikturan niya at sinend niya sa kapatid niya. Tumawag pa ang kapatid niya sa suspek na, ‘Ayusin ninyo yan.’ Sabi aayusin daw. Pagbaba ng telepono pinatay na siya,” she added.
She said her family had accepted him because Rachelle loved him. “Hindi namin alam kung bakit niya minahal ang tao na yon… pero dahil minahal siya ng pinsan namin, tanggap namin siya. Pero ang kapal ng mukha mo na ginawa mo sa pamilya namin ito.”
She said she is speaking up in order to protect her family, and to show Fernando that they are not afraid of him.
This is just tragic beyond words (katulad ng nangyari sa call center agent na si Katrina Gantan at ng iba pa jan)...sana sinusundo na ni satanas ang mga taong ito even before naging fetus pa sila.
mahaderangusyosera
Wednesday, October 27, 2010
Labels:
abs cbn,
angel locsin,
imortal,
john lloyd cruz,
maricar reyes,
pinoy tv shows,
rico blanco
Subscribe to:
Posts (Atom)





