mahaderangusyosera Saturday, November 27, 2010


I don't really watch Survivor Philippines, but I must admit nakakaintriga talaga toh teh:

Kung natsismis na nagkaroon ng intensity 10 sa jury house sa isla ng Thailand na pinagdausan ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown, dahil kina Michelle Madrigal at Jon Hall, may mga tsismis din na nagkaroon ng batibot scene sa mismong isla, at involved naman daw ang dalawa sa Final Four na sina Aubrey Miles at Ervic Vijandre. Sina Akihiro Sato at Solenn Heussaff ang dalawa pa sa Final Four ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown.
Sabi sa tsismis, umabot daw si Aubrey sa punto na pinaligaya nito si Ervic sa pamamagitan ng kanyang mga kamay?

“Wala! Hindi totoo `yon! Juzko, ang babaho na namin! Hindi na namin magagawa `yon, `no! Walang katotohanan `yon!

“Mamatay man ako! Walang ganung nangyari! Hindi totoo `yon! Mamatay man ako! Ka-cheap-an naman `yang isyu na `yan! Hindi totoo `yan!” reaksiyon ni Aubrey.

Iginiit ni Aubrey na walang dahilan para magloko siya, dahil kuntento siya kay Troy Montero.
“Suwerte na ako sa kanya. Kung iiwan ko pa si Troy, ang yabang ko naman,` di ba? ‘Yung kay Ervic, hanggang friends, puwede kami. Ngayon naniniwala ako na si Ervic `yung puwede kong maging bestfriend na lalake!” sey na lang ni Aubrey.


Ang masasabi ko lang, goodluck sa herpes papa troy. We never know.

mahaderangusyosera Friday, November 26, 2010


[from abs-cbnNEWS.com]

Is she bitter or not?

This question was asked to young actress Kim Chiu amid her reported break-up with rumored boyfriend and longtime on-screen partner Gerald Anderson.

"Hindi ako bitter, ano ba?” Chiu told the entertainment press.

Chiu, who will next appear in “Your Song Presents: Kim 2,” said she's not the kind of person who will harbor ill feelings toward anyone.

The issue stemmed from recent reports that the young actress is spending her Christmas alone in another country. Others speculated that this might be because she is still in pain after the supposed split up. Anderson was then linked to actress Bea Alonzo.

Chiu said: "Hindi naman po ganoon. Kahit po sino ay puwedeng umalis mag-isa at makakita ng snow para maiba naman."

Chiu explained that it has been her longtime dream to spend Christmas in a country where there is snow. She also divulged that she might meet with some of her fans during her 4-day vacation.

Chiu was also asked to comment on the reported Anderson-Alonzo break-up. She, however, kept her distance from the issue.

"Hindi ko pa po alam 'yon at hindi ko sila nakikita. At ayokong magsalita tungkol doon kasi hindi ko buhay 'yon," Chiu said.

“Mas maraming salita, mas marami pong nasasaktan, mas maraming natatamaan. Kaya mas pinili ko po na huwag na lang pong sagutin ang mga ‘yan and tumahimk na lang dahil ayoko po ng gulo. Huwag na po, hayaan ninyo na," Chiu added.

When asked if she's speaking with Alonzo, Chiu answered in affirmative. “Hindi naman kami magkagalit. Bakit naman kami magkakagalit?”

She said she is even ready to work with Alonzo in “Your Song.”

On her and Anderson’s reported split up, Chiu made this appeal: “Respeto na lang ninyo po sa amin ni Gerald. Ibalato na lang ninyo sa amin ‘yon, kung ano man ang nangyari."

She said she is also not ready to get into a relationship.

Chiu and Anderson's love team faced the toughest controversy last month. This after Chiu, Anderson and Star Magic admitted that the actor and Alonzo were getting death threats from the rabid fans of “Kimeralds.”

Now, the death threat issue is over, according to Chiu.

The "Tayong Dalawa" lead star also stressed that what’s important is that she is happy, and that she and Anderson remain friends.

"Sobrang saya kasi ang daming blessings na dumarating, may mga shows, endorsements at mga bagong kaibigan kaya masaya pa," Chiu said.

Reports said Chiu, like Anderson, is set to do projects with new on-screen partners including Piolo Pascual. Anderson, on the other hand, will reportedly be paired with Sarah Geronimo.

It was also reported that Chiu would appear in a Jackie Chan film. According to reports, the project has been shelved after the Filipino actress turned down the offer.

Chiu denied that she rejected the project. “Ako tatangi kay Jackie Chan? Hello. Sayang ‘yon.”

She added that the project might still push through.

mahaderangusyosera


Friday night ngayon at ayokong masira ang magandang mood ko, so di na me magcocomment ng mahabang mahaba. Basahin nyo nalang tong scoop na toh. Hai diosko maria, makapatay nga ng butiki.Tseh!


After months of evading the issue, actor Gerald Anderson, the other half of the “Kimerald” team-up, finally admitted that he and actress Bea Alonzo went out on dates.

In his exclusive interview, Anderson made this confirmation to ABS-CBN News as rumors about his break-up with longtime on-screen partner Kim Chiu raged on.

The young actor quickly added that he and Alonzo have already stopped dating.

“We were seeing each other, but we decided to stay friends na lang muna,” he said.

He declined to give details about their relationship and how they parted ways. But he said he got to know Alonzo deeply while they were seeing each other.

“I was fortunate enough to get the chance na makilala ko si Bea beyond being an actress at ako din nakilala nya... ang bait niya… but like I said nag-decide kami na maging friends na lang,” he said.

He also said he remains friends with Chiu, his on-screen partner of 4 years.

“We're friends. Nagpapasalamat ako kasi hanggang ngayon nandiyan pa rin siya, ” he said.

He added that as far as he knows all three of them are single.

Anderson decided to speak up in the hope to end the controversy involving them.

He also maintained that his love life is taking a backseat for now so that he can focus on his career.

He said he is happy to be getting more offers like his upcoming project with Sarah Geronimo.

“It's been a year of ups and downs, parang roller coaster. May success pero may mga failure din ako... but there's so much to still be thankful for,” he said.

It would be recalled that rumors about Anderson and Alonzo’s alleged relationship started after they were seen holding hands during the Star Magic Ball in September of this year.

Anderson clarified that he was just being a gentleman by coming into her aid since she was having a hard time walking with her long gown.

They have been dubbed "BeaRald" as opposed to "Kimerald," which is the moniker of Anderson’s team-up with Chiu.

Anderson and Chiu have long been rumored to being a couple in real life, but they consistently denied it. It was then reported that Anderson was courting Alonzo.

Rumors have it that Anderson and Alonzo, who allegedly became a couple in April of this year, ended their secret relationship during the “Heartthrobs” concert in London recently.

The 2 were both part of the “Heartthrobs” concert tour of Sam Milby, John Lloyd Cruz and Piolo Pascual in London, the show's final stop.

Last month, Anderson snatched the limelight after breaking down during a press conference for his movie, “Till My Heartaches End.” During the presscon, Anderson disclosed that he began receiving death threats after reports linking him to Alonzo had surfaced.

[from abs-cbnNEWS.com]

mahaderangusyosera


Di ba masyado nang gurang si Iza para sumali pa sa mga international beauty pageants? Basahin nyo nalang ang scoop na toh, via journal.com.ph:

NAIKUWENTO sa amin ng ama ni Iza Calzado na si Direk Lito na may kumukuha sa anak niya para lumaban sa beauty pageant na Queen of the World na idaraos sa Germany nga-yong December at lalahukan ng 86 countries.

Ang local coordinator daw ang kumakausap kay Direk Lito para isali si Iza sa nasabing beauty pageant.

Ilang beses na raw siyang kinukulit ng naturang coordinator para kumbinsihin ang anak na si Iza na sumali. Malaki kasi ang paniwala ng local coordinator na puwedeng maiuwi ni Iza ang korona dahil na rin sa galing ng aktres na magdala ng sa-rili, na kitang-kita sa kanyang soap na Beauty Queen, kung saan naibu-yangyang ang kaseksihan ng aktres sa pagsusuot ng swimwear.

Bukod dito, napakaganda raw ng mukha ni Iza kaya pasok na pasok ito sa pageant

Ang problema, hindi puwedeng si Direk Lito lang ang magdesisyon dahil GMA7 ang nagpapatakbo ng career ng anak.

Isa pa, malabong makaalis ng bansa si Iza dahil sa sunud-sunod ang taping nito para sa kanyang teleserye.

Kung siya lang daw ang masusunod, puwede ni-yang payagan si Iza na su-mabak sa naturang beauty pageant dahil alam niya ang kakayahan ng anak.

’Yun nga lang, career naman ng anak ang nakasalalay.

Anyway, hindi man ma-tuloy si Iza sa pagsali sa Queen of the World, proud pa rin si Direk Lito sa anak dahil puwede talaga itong maging tunay na beauty queen.

mahaderangusyosera


Ayokong tawaging stalker ang Japanese guy na toh para di naman ako magmukhang racist ngayon. I wish him all the best and hope ko rin yummy xa para di xa mahirapan kunin ang loob ni Glaiza. Chos!

Sa fans day ni Glaiza de Castro sa Activity Center ng Star City, may nakita kaming Japanese guy na aliw na aliw nakikipagsiksikan sa fans ng aktres.

Napag-alaman namin sa manager ni Glaiza na si Direk Manny Valera na tagahanga pala ito ng star ng Grazilda, na kahit saan daw happenings ni Glaiza, present ang naturang Japanese guy.

Tsika pa ni Direk Manny, lagi raw pinadadalhan ng noodle na nasa cup na galing pa sa Japan si Glaiza kaya raw pati siya, sangka-tutak ang noodle sa opisina.

Mabait naman daw ang guy at close din sa pamilya ni Glaiza dahil lagi nga itong nasa okasyon ni Glaiza para suportahan ang Kapuso star.

At take note, walang pakialaman ang Japanese guy na tumatayo rin sa harap ng stage habang kinakantahan ni Glaiza ang fans.

[from journal.com.ph]

mahaderangusyosera


Nakuha ko ang title na toh sa journal.com. Ano ba ka mysterious ang bf ni Rufa Mae at dinescribe talagang 'mysterious'? Siya bay isang politikong ayaw ma-link kay RufaMae (chArot!), isang non-showbiz bf, isang goon, isang C.I.A, bampira, o baka naman engkanto? Ano ba talaga ka 'mysterious' yan teh?

Halatang iniiwasan ni Rufa Mae Quinto na pag-usapan ang tungkol sa pagkakaudlot ng kanyang kasal ngayong taon.

Marami pa naman ang nag-aabang sa magiging announcement niya sa Showbiz Central last Sunday pero bigo ang lahat dahil mabilis niyang iniiwasan na pag-usapan ang tungkol sa kanyang lovelife.

Obviously, walang kasalang magaganap kay Rufa Mae at sa kanyang mysterious boyfriend na si Mr M.

Marami tuloy ang naghinala na hiwalay na sila at ayaw lang aminin ni Rufa Mae.

Paano na ang bahay na ipinatayo ng kanyang dyo-wa sa San Francisco, California na dapat sana ay titirhan nila kapag nakasal na sila?

Hindi naman nakitaan ng kalungkutan si Rufa Mae dahil nandiyan naman ang mga kaibigan niya sa Bubble Gang na laging nakasuporta at nagbibigay ng payo.

[from journal.com]

mahaderangusyosera


Maganda at seksi pa rin naman si Jennylyn, so go teh! Tingnan lang natin kung sinong luluha sa pagka-miss kay Jen. *ehem-patrick-ehem-mark-ehem*

Hubad kung hubad si Jennylyn Mercado sa isang eksena sa trailer ng festival entry niyang Rosario ng Cinemabuhay, Inc. First time niyang ginawa ‘yon sa kanyang acting career kaya naman may nagsasabing tatanghalin siyang Best Actress sa filmfest.

“Hindi ako sanay sa daring scenes kaya first time ko ‘yon. Pati nga ang pagyoyosi. Isa sa pinaka-challenging ‘yon kasi hindi ako nagsisigarilyo!

“Pero kailangan kong matuto na walang filter. Kaya during break, tinuturuan ako ni direk (Albert Martinez), ng mga AP (associate producer) na ganito at hanggang sa natuto ako.

“Hindi ko naman nadala ‘yon! Malaki ang tiwala ko sa production at kay direk (Albert) kaya hindi ako nagdalawang-isip na gawin ang lahat ng ipagawa sa akin!” paliwanag ni Jen.

This early, nakakaramdam ng matinding pressure si Jennylyn dahil strong contender daw siya sa best actress award?

“Oo, malaki ang pressure! Kumbaga, si Rosario ang magdadala ng pelikula. Kung hindi ako na ging maayos dito, sira lahat! Hindi ako nagkamali ng desisyon nang mabasa ko ang script kahit late ko nang nabasa ang script,” sagot niya.

Malaki ba ang talent fee niya sa movie para pumayag gawin ang mga daring scenes?

“Naku po, ayokong pag-usapan ‘yan! Worth it naman! Ha! Ha! Ha!”

Eh, kumusta naman ang love scenes nila ng boyfriend niyang si Dennis?

“Kinakabahan ako, pero si Dennis, nakaalalay sa akin! Iba kasi’yung ginagawa mo kapag maraming nanonood sa ‘yo. Parang iba ang pakiramdam. Medyo nanginginig pa nga ako dahil ‘yung dibdib ko, iba, eh! Nakaalalay si Dennis sa akin. Nagbibigay ng advice na relax lang ako.

“Very memorable ‘yung first time na magpakita ako ng flesh! Hindi ako nakatulog. Hindi masyadong makakain dahil sa sobrang nerbyos! Naiiyak ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Pero ginawa akong komportable ni direk Albert!” kuwento pa ni Jennylyn.

[from abante.com]

mahaderangusyosera


Angelica Panganiban and Marian Rivera will topbill the 2011 remake of "Temptation Island", a hit movie during the 80's directed by Joey Gosiengfiao under Regal Films.

Angelica will be replacing Andi Eigenmann, who was the very first to be reported as cast member of Temptation Island 2011. It's still unknown why Andi, a contract star of Regal, has been removed from the cast.

Joining Angelica and Marian in the film are Carla Abellana, Lovi Poe and Pokwang plus Zanjoe Marudo, Jake Cuenca and three more leading men. Also starring are John Lapus, Tim Yap, Tessa Prieto-Valdes and more.

"Billing" is very important because it shows the star status of an actor or an actress. And even if both actresses will have stellar billing in the movie, it's going to be an issue as to whose name will appear after the word "and" in the poster and whose name gonna appear first as the "cast of characters" rolls at the end part of the movie.


[from mykiru.blogspot]


mahaderangusyosera


Gerald Anderson, the pugiboy/God's-gift, will be very happy with this:

Former GMA / Kapuso artist Jewel Mische has started her first assignment as a new ABS-CBN / Kapamilya talent, and that is to undergo an extensive workshop.

Last Thursday, Jewel already submitted herself for a workshop under Star Magic, her new management, along with other talents.

Jewel is the latest "Starstruck" graduate to transfer to ABS-CBN following Paul Salas, Megan Young, Cristine Reyes, Johan Santos, Tyrone Perez and Piero Vergara.

But unlike them, Jewel was a grand winner of StarStruck, during its 4th Season, which also had Aljur Abrenica, Kris Bernal and Mart Escudero as winners or what the show called as Ultimate Survivors.
Thus, Jewel is the 1st StarStruck winner to move to ABS-CBN.

It's understandable why Jewel has always wanted to switch networks since 3rd quarter of 2010 because she was never given the best break while with GMA 7, where she was under contract for more than 3 years.

Other than being a StarStruck winner, the 20-year-old actress is only best known as the ex-girlfriend of Richard Gutierrez.

So maybe with ABS-CBN, Jewel will finally shine at her brightest.

Nothing is final yet, but she is said to be joining an existing
primetime Kapamilya teleserye soon.

And for a potential loveteam, Jewel is reportedly going to be paired up with Gerald Anderson.



mahaderangusyosera

Introducing, the lola of the year. Go lah!


and the runners-up:



mahaderangusyosera Thursday, November 25, 2010


I HOPE Charice will always be surrounded with good people who will continue to guide her to better roads. That's all. *sabay walk-out*

The lead vocalist of American rock/pop band “Gin Blossoms” sees no reason why international singing sensation Charice can’t pose sexy for a men’s magazine.

"She’s extraordinary hot and we look forward to her Maxim magazine cover," Robin Wilson said during a press conference for his band's upcoming concerts in the Philippines.

Charice’s “Glee” co-stars, Dianna Agron and Lea Michele, have already posed sexy for GQ magazine, sparking mixed reactions from the hit American TV series’s followers worldwide.

After their controversial photos came out, the 18-year-old Filipino singer was asked if she was willing to follow in Agron and Michele’s footsteps during a press conference for “David Foster & Friends” show in Manila in October.

But before she could answer, her mentor, David Foster, abruptly ended the presscon.

“Okay that’s the answer, sorry. Salamat po,” Charice lightheartedly said.

[from abs-cbnNEWS.com]

mahaderangusyosera


Dahil nga kapansin-pansin ang pagiging maayos ng relasyon ni Marian kay Dingdong, naitanong tuloy ng PEP kung kailan sila huling nagkatampuhan ni Dingdong.

"Tampo, sa totoo lang, ang tagal na naming hindi nagtatampuhan ni Dong. Kasi, simula din nang maghiwalay kami sa Endless Love, wala nang dahilan para magtampuhan kami.

"Basta sa tuwing nagkikita kami, 'Oy, kumusta ka na?' Okay na okay kami sa isa't isa. Sabik na sabik kami. Miss na miss namin ang isa't isa.

"So, wala nang dahilan para magtampuhan pa, sayang yung oras. Love, love na lang," pahayag niya.

Hindi rin daw apektado si Marian sa mga isyu na nali-link si Dingdong sa ibang aktres.

"Hindi, e, keber ko ba diyan!" bulalas niya.

"Nakakatawa lang kasi after naman din ng mga isyu na 'yan, sa totoo lang, hindi ako affected at keber ko talaga.

"Kasi si Dong talaga ay very vocal after ng mga isyu na ganyan, nagsalita siya na very much in love kami sa isa't isa, masaya ang relationship namin, palagi kaming magkasama.

"So, kung yung partner ko nga ganun na yung sinasabi, bakit ko pa iintindihin yung mga nakapaligid na ganun?"

Ano ang masasabi niya na ang tingin ng iba ay selosa siyang girlfriend?

"Siguro yun ang nakikita nila. Hindi naman natin sila masisisi.

"Pero kami ni Dong, alam namin kung ano yung totoo. Bukod doon sa bibig na niya nanggaling kung anong klaseng relasyon meron kaming dalawa.

"Sabi ko nga kay Dong minsan, 'Alam mo, Dong, magpanggap ka kayang bakla para wala na tayong isyu sa mga ganyan.' Tapos ako, tibo. Okay na ako doon!" natatawang sabi ni Marian.

Nagsasawa na raw si Marian sa mga isyu tungkol sa pagseselos niya sa mga babaeng nali-link sa boyfriend niya.

"Alam mo, pag nag-uusap nga kami ni Popoy [Caritativo, manager niya], 'O ano na naman 'yan? Selos na naman. Sino na naman ang bagong pinagseselosan ko raw?'

"Wala na bang alam na ibang isyu kundi puro selos? Sa totoo lang, naririndi na ako!

"Ano pa ba ang kailangang patunay? Nagsalita na ako, nagsalita na si Dong. So, ano pa ang kailangang patunay para sabihing hindi ako nagseselos?" saad niya.

[from pep.ph]

mahaderangusyosera


Wala nang lagnat si Rhian, that's why na-realize na niyang di talaga niya kelangan ang isang uncle-figure..tseh!

Wala nang pagtanggi mula kay Rhian Ramos na nanliligaw sa kanya ang TV and radio host na si Mo Twister.

Ayon kay Rhian, four years na silang magkaibigan ni Mo kaya hindi niya inaasahan na mauuwi ang lahat sa ligawan.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Rhian sa lobby ng GMA Network Center noong Miyerkules, November 17, sinabi niyang wala siyang nakikitang masama sa panliligaw ni Mo sa kanya.

Pareho naman daw silang single, wala silang commitment kahit kanino, at wala silang ibang dine-date.

Ayon kay Rhian, "Well, mabuti na rin yung nanggaling na mismo kay Mo na nanliligaw siya. Hindi naman kasi ako puwedeng mag-confirm ng kung ano, not unless magsasalita rin siya.

"Actually, nagulat din naman ako kasi hindi ang type ni Mo ang magsasabi ng gano'n.

"I know that he's an honest person and vocal about his feelings towards a lot of things. Pero when it comes to something like this, yung tungkol sa ligawan, tahimik lang siya.

"May quiet side naman din si Mo, and that I really like about him."

NOT HER PRIORITY. Pero sinabi ni Rhian na iba ang priorities niya at hangga't maaari raw ay hindi kasama ang pakikipag-relasyon dito.

"I already talked with Mo regarding his panliligaw nga," sabi ng young Kapuso actress.

"I'm happy that he's making an effort. My friends and my family, natutuwa sila sa ipinapakitang pagiging serious ni Mo sa panliligaw.

"But I told him also na huwag siyang magalit kung maramdaman niya na he's not my main priority. Ang trabaho at ang career ang pinaka-priority ko talaga. Doon kasi ako naka-focus, e.

"Nagkataon na Mo came out with the ligawan thing.

"Mo has been a good friend. He's one of my best friends in the business kaya malaki na ang tiwala ko sa kanya."

Pahayag pa ni Rhian, "If we want to take it to the next level, kailangan may konting sakripisyo from both of us."

Paliwanag nito, "Alam ko that Mo is also very busy, but I appreciate the little things and the wonderful surprises na ginagawa niya. It's just that it's not at the top of my list and I know that Mo understands that."

Alam din daw ni Rhian na susuportahan siya ni Mo sa anumang pasukin niya sa kanyang career. Tulad na lang ng recording ng kanyang debut album. Umeere na ang music video ni Rhian titled 'You' na siyang magiging carrier single ng kanyang album.

"Mo has always been supportive, ever since. He knows all my shows and he says na whatever career I want to pursue, he will always be there for me.

"I truly appreciate that, and gano'n din naman ako kay Mo. Maganda yung support namin for one another's career."


[from pep.ph]

mahaderangusyosera Friday, November 19, 2010



Have a nice weekend everyone! :)

mahaderangusyosera Tuesday, November 16, 2010


Para ngang fairytale ang buhay ni Mommy D. Parang pang Cinderella (from rags to riches ang drama)at ngayon naman:

Fresh from Texas ang balita na nasagap ko tungkol kay Mommy Dionisia Pacquiao. Matapos mahimatay sa Dallas Cowboys Stadium, nagliwanag daw ang mukha ng madir ni Manny nang bisitahin siya ni Derek Ramsay.

Nanood din si Derek ng laban nina Manny Pacquiao at Antonio Margarito. Kasama siya sa listahan ng mga celebrities and politicians na lumipad sa Arlington, Texas.

[by Lolit Solis]

Ngayon, kung meron lang talagang kiss magmula kay Derek, bonggang-bongga na talaga! Snow White/Sleeping beauty ang bagong drama ng mahadera! O di kaya Frog Prince-ss? Tseh!

mahaderangusyosera


Oh lord, wala na bang ibang boylet jan teh?

DAHIL SA PANLALAGLAG ni Ruffa Gutierrez kay DJ Mo Twister sa Paparazzi, nagkabukingan tuloy na may namumuong magandang relasyon sa kanila ni Rhian Ramos.

Paliwanag ni DJ Mo, sa Twitter account lang daw nila ang source ni Ruffa kung bakit niya sinabing magkasama sila ni Rhian sa Paris. Pero itinatanggi ito ni Mo at ang sabi, sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho lang ang kasama niya. Nu’ng nasa Paris daw siya, nasa Europe din daw nu’n si Rhian pero hindi lang knowing kung saang bahagi ng Europe.

Kaya lang naglabasan na ngayon ang mga tsikang may relasyon talaga itong sina DJ Mo at Rhian na tiyak itatanggi naman nila iyan.

Siyempre, may pinag-usapan naman kami ni DJ Mo na hindi ko muna puwedeng i-share dahil nag-promise naman ako, kaya wala na akong puwedeng maidagdag diyan.

Tumanggi naman si DJ Mo, wala pang sinasabi si Rhian dahil nasa Amerika pa ito. Pero pagdating niya, magkakaalaman din ‘yan. Iyan ay kung magsasalita si Rhian ng totoo.


[by Lolit Solis]

mahaderangusyosera

Para sa mga fans nila Marian Rivera, John Lapus, Jake Cuenca, Pokwang, Mylene Dizon, Jestoni Alarcon, Sheena Halili, Elijah Christian Alejo, Buboy Villar, Sabrina Man, Jairus Aquino, Ms. Cherry Pie Picache, ng bibeng starring at ng lahat ng mga pelikulang ni-revise lang, heto ang official trailer ng Super Inday 2010:

mahaderangusyosera


[from Pilipino Star Ngayon]

Nanguna ang mga naglalakihang celebrity endorsers ng sikat na brand na Folded & Hung (F & H) na sina Sam Milby, Angel Locsin at Anne Curtis sa pagparada ng summer 2011 collection ng fashion brand kamakailan sa SMX Convention Center.

Sa fashion show na pinamagatang Streetcast, ipinakita ang mga casual street style ng F & H na patok kina Sam at Angel samantalang ang fragrant scents na ine-endorso naman ni Anne ang huma limuyak sa venue.

Naging tema ng koleksiyon ang roots ng American fashion na angkop sa ating bansa tulad ng resort shirts, cargos Henley tees at maong para sa mga kalalakihan samantalang ang vintage long dresses, denim shorts at lace-tiered skirts naman ang para sa kababaihan.

Rumampa rin sa Streetcast sina Tim Yap, Luis Alandy, Divine Lee, GMA Artist Center’s Princess Snell, Luane Dy, Gretchen Espina at Prince Stefan, kasama rin sina Isabelle Abreira, Helga Krapf, Kazel Kinouchi, April Sun, Fretzie Bercede, Thara Jordana, Julz Savard at Rachel Bustamante ng Star Magic. Naging bahagi rin sina Lance Christopher, Jose Sarasola, Xian Lim, Enrique Gil, JP, at JM Lagumbay.

Nasilayan din ang TV sensation na si Maja Salvador kung san nirampa niya ang latest summer collection ng Jellybean, sister brand ng Folded & Hung.










mahaderangusyosera


Although if I were Sarah, made-depress talaga ako,but since I am NOT Sarah, I am quite impressed na tsuging-tsugi na talaga yang Glee rip-off. ABS-CBN should start thinking of new and fresh teleserye concepts now na ang dami ng kompetisyon jan. And for Sarah, mag paka Taylor Swift ka nalang teh, gawing pop singles ang laman ng diary. Tseh!

Kamakailan ay sunud-sunod ang pag-post ni Sarah Geronimo sa kanyang twitter account ng mga makahulugang mensahe o tweets.
Ang ilan dito : “Do you wonder why you have to feel the things that hurt you? If there’s a God who loves you, where is He now?” at “Hold on and wait for the light. Press on and just fight the good fight. ‘Cause the pain that you’ve been feeling, it’s just the dark before the morning!”
Marami ang nagtaka at nagulat sa mga mensaheng ito ng Popstar Princess. Marami ang naglabasang espekulasyon na may matinding pinagdadaanan si Sarah ngayon kaya siya nagiging emosyonal.
Sa The Buzz ay nilinaw ng singer ang mga isyu tungkol sa kanya. “Lahat naman po tayo ay may pinagdadaanan na hurt ‘di ba, ako ay dumaan din sa ganyan,” nakangiting pag-amin ni Sarah.
Ang tinutukoy niya ay ang mga naglabasang mapanira at masasakit na akusasyon sa kanya.
Si Sarah daw kasi ang sinisisi kung bakit hindi tumagal sa ere ang kanilang programa ni Sam Milby na Idol. “Nasaktan po ako. Marami kasing mga negative feedback dahil sa pagtatapos ng Idol, maraming masasakit na salita. Kaya siya natapos agad ay dahil nagkaroon ng conflict sa schedule, hindi lang po sa akin kung hindi pati sa co-actors ko. Si Sam, may mga out of the country shows siya, ako may mga prior commitments,” emosyonal pang paglilinaw ni Sarah.
Ang isa pang isyu na idinidikit sa singer-actress ay ang pagtanggi niya diumano na muling makasama si John Lloyd Cruz sa isang pelikula at kailangan din daw ni Sarah ang aktor para sa kanyang career. “Ako po kasi, gusto ko lang po sana ma-explore ‘yung pagiging individual na actor ko. Ayaw ko po kasing maging dependent sa tandem namin ni John Lloyd,” dagdag pa ni Sarah.
Mayroon pa rin naman daw posibilidad na magkasama sila ni John Lloyd sa isang project. “We owe it to the public. Lahat ng sumuporta ng pelikula namin, tandem namin ni John Lloyd, ‘di naman matatapos ‘yun. Darating din po tayo sa pagkakataong iyon,” pagtatapos ng Popstar princess.

[from SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda]

mahaderangusyosera Sunday, November 14, 2010


Oh God! I am so H-A-P-P-Y right now I lost my train of thought. Ano kaya ginagawa ni 'May-don't-bother' while the world is glued on the Pacquiao-Margarito fight?
a. nagpapa thai massage
b. nag ba-ballroom dancing (sumali sya noon sa Dancing with the Stars, so di malayong ganun nga ginagawa nya)
c. gumagawa ng rap song
d. nanonood din ng laban sa isang madilim at naka-lock na kwarto


In fairness kay Margarito, mas excited xa panoorin kesa kay Clottey, so go papa! wag mo ahitin yang balbas mo ha?!

Antonio Margarito at Serge ng System Of A Down = ay kambal?