Menudo ang paboritong pagkain ni Dingdong Dantes ngayon at ipinagluluto siya minsan nito ni Marian Rivera. Nu’ng huli naming makausap ang bida ng Super Inday & The Golden Bibe, biniro namin siya kung masarap bang kumain si Dong. “Ganadung-ganado siya kung kumain! Ayyyyy! Eeeeehhh! Ha! Ha! Ha! Kumain, huh!” bulalas niya sa amin. Nahilig ba siyang magluto dahil kay Dingdong? “Hindi! Hilig ko na talagang magluto! Pag hindi busy ang schedule ko, nagluluto ako. Siya naman ang nag-eengganyong magluto ako!” sagot niya. Sa luto niya, maganang kumain si Dong? “Maganang-magana! With Vitamin C!” diin niya. Teka nga, willing ba siyang makipag-work sa ex boyfriend niyang si Ervic Vijandre? “Wala naman kaming problema ni Ervic. Siya ang tanungin. Kami ni Dong, hindi namin iiwan ang past namin nang hindi maayos! So kami ni Ervic, walang problema kahit magsama kami sa trabaho. But still, si Popoy (Caritativo) pa rin ang magdi-decide sa career ko,” rason ni Yan-Yan. Napansin ba niyang mas guwapo si Ervic ngayon? “Hindi! Kasi wala nang guguwapo sa akin kundi si Dingdong! Sorry, pero ‘yon ang totoo!” deklara ni Marian.
[from abante-online]

Angelica Panganiban and Marian Rivera will topbill the 2011 remake of "Temptation Island", a hit movie during the 80's directed by Joey Gosiengfiao under Regal Films.
Angelica will be replacing Andi Eigenmann, who was the very first to be reported as cast member of Temptation Island 2011. It's still unknown why Andi, a contract star of Regal, has been removed from the cast.
Joining Angelica and Marian in the film are Carla Abellana, Lovi Poe and Pokwang plus Zanjoe Marudo, Jake Cuenca and three more leading men. Also starring are John Lapus, Tim Yap, Tessa Prieto-Valdes and more.
"Billing" is very important because it shows the star status of an actor or an actress. And even if both actresses will have stellar billing in the movie, it's going to be an issue as to whose name will appear after the word "and" in the poster and whose name gonna appear first as the "cast of characters" rolls at the end part of the movie.
[from mykiru.blogspot]


Dahil nga kapansin-pansin ang pagiging maayos ng relasyon ni Marian kay Dingdong, naitanong tuloy ng PEP kung kailan sila huling nagkatampuhan ni Dingdong.
"Tampo, sa totoo lang, ang tagal na naming hindi nagtatampuhan ni Dong. Kasi, simula din nang maghiwalay kami sa Endless Love, wala nang dahilan para magtampuhan kami.
"Basta sa tuwing nagkikita kami, 'Oy, kumusta ka na?' Okay na okay kami sa isa't isa. Sabik na sabik kami. Miss na miss namin ang isa't isa.
"So, wala nang dahilan para magtampuhan pa, sayang yung oras. Love, love na lang," pahayag niya.
Hindi rin daw apektado si Marian sa mga isyu na nali-link si Dingdong sa ibang aktres.
"Hindi, e, keber ko ba diyan!" bulalas niya.
"Nakakatawa lang kasi after naman din ng mga isyu na 'yan, sa totoo lang, hindi ako affected at keber ko talaga.
"Kasi si Dong talaga ay very vocal after ng mga isyu na ganyan, nagsalita siya na very much in love kami sa isa't isa, masaya ang relationship namin, palagi kaming magkasama.
"So, kung yung partner ko nga ganun na yung sinasabi, bakit ko pa iintindihin yung mga nakapaligid na ganun?"
Ano ang masasabi niya na ang tingin ng iba ay selosa siyang girlfriend?
"Siguro yun ang nakikita nila. Hindi naman natin sila masisisi.
"Pero kami ni Dong, alam namin kung ano yung totoo. Bukod doon sa bibig na niya nanggaling kung anong klaseng relasyon meron kaming dalawa.
"Sabi ko nga kay Dong minsan, 'Alam mo, Dong, magpanggap ka kayang bakla para wala na tayong isyu sa mga ganyan.' Tapos ako, tibo. Okay na ako doon!" natatawang sabi ni Marian.
Nagsasawa na raw si Marian sa mga isyu tungkol sa pagseselos niya sa mga babaeng nali-link sa boyfriend niya.
"Alam mo, pag nag-uusap nga kami ni Popoy [Caritativo, manager niya], 'O ano na naman 'yan? Selos na naman. Sino na naman ang bagong pinagseselosan ko raw?'
"Wala na bang alam na ibang isyu kundi puro selos? Sa totoo lang, naririndi na ako!
"Ano pa ba ang kailangang patunay? Nagsalita na ako, nagsalita na si Dong. So, ano pa ang kailangang patunay para sabihing hindi ako nagseselos?" saad niya.
[from pep.ph]
Para sa mga fans nila Marian Rivera, John Lapus, Jake Cuenca, Pokwang, Mylene Dizon, Jestoni Alarcon, Sheena Halili, Elijah Christian Alejo, Buboy Villar, Sabrina Man, Jairus Aquino, Ms. Cherry Pie Picache, ng bibeng starring at ng lahat ng mga pelikulang ni-revise lang, heto ang official trailer ng Super Inday 2010:



