mahaderangusyosera Tuesday, November 16, 2010


[from Pilipino Star Ngayon]

Nanguna ang mga naglalakihang celebrity endorsers ng sikat na brand na Folded & Hung (F & H) na sina Sam Milby, Angel Locsin at Anne Curtis sa pagparada ng summer 2011 collection ng fashion brand kamakailan sa SMX Convention Center.

Sa fashion show na pinamagatang Streetcast, ipinakita ang mga casual street style ng F & H na patok kina Sam at Angel samantalang ang fragrant scents na ine-endorso naman ni Anne ang huma limuyak sa venue.

Naging tema ng koleksiyon ang roots ng American fashion na angkop sa ating bansa tulad ng resort shirts, cargos Henley tees at maong para sa mga kalalakihan samantalang ang vintage long dresses, denim shorts at lace-tiered skirts naman ang para sa kababaihan.

Rumampa rin sa Streetcast sina Tim Yap, Luis Alandy, Divine Lee, GMA Artist Center’s Princess Snell, Luane Dy, Gretchen Espina at Prince Stefan, kasama rin sina Isabelle Abreira, Helga Krapf, Kazel Kinouchi, April Sun, Fretzie Bercede, Thara Jordana, Julz Savard at Rachel Bustamante ng Star Magic. Naging bahagi rin sina Lance Christopher, Jose Sarasola, Xian Lim, Enrique Gil, JP, at JM Lagumbay.

Nasilayan din ang TV sensation na si Maja Salvador kung san nirampa niya ang latest summer collection ng Jellybean, sister brand ng Folded & Hung.










0 comments:

Post a Comment