mahaderangusyosera Thursday, November 11, 2010


Since he thinks he is God's gift to everyone, Gerald makes us remember that by breaking up with another beautiful but poor unfortunate soul. If he'll suddenly die one glorious day, the cause will be HEAT STROKE --- because of his own 'hotness'. Chos!

Break na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Ito ang impormasyong nakuha ng YES! Magazine na ipinarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ngayong umaga, November 8.

Ayon sa source, nangyari ang breakup ng dalawang Star Magic talents sa final leg ng kanilang Heartthrobs tour-concert sa London nito lang nagdaang weekend, November 6 at 7.

ABRIL, NEW YORK. Bagamat hindi kailanman umamin sina Gerald at Bea tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, marami ang naniniwala na nagkaroon ng relasyon ang dalawa.

Isang source na malapit sa dalawang Star Magic talents ang nagsabi sa YES! na noong Abril ng taong kasalukuyan nagsimula ang magandang pagtitinginan nina Gerald at Bea. Ito ay naganap sa New York leg ng Heartthrobs concert-tour nila.

Sa New York daw inamin pareho nina Gerald at Bea na gusto nila ang isa't isa.

Si Bea, 23, ay attracted daw sa mga tisoy, kung ang pagbabasehan ay ang hitsura ng ex-boyfriend nitong si Mico Palanca.

Samantalang si Gerald, 21, ay matagal na palang may crush kay Bea, simula pa noong Pinoy Big Brother Teen Edition days niya.

Sa New York, inamin ng dalawa sa isa't isa ang kanilang mutual attraction.

Pero umabot lang daw talaga ang dalawa sa pag-amin. Hindi raw nila naipakita ang kanilang damdamin para sa isa't isa dahil wala silang naging pagkakataon na mapag-isa.

Sa New York daw kasi, palagi silang isang buong grupo kung kumilos. At kasa-kasama nila noon ang iba pang Kapamilya stars sa concert-tour—sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, at Sam Milby.

Kasama rin ang mismong ka-loveteam ni Gerald na si Kim Chiu.

Bukod dito, nakita raw nina Gerald at Bea na hindi maaaring basta ilabas sa publiko ang kanilang relasyon dahil sa demands ng kanilang mga showbiz careers.

Alam naman ng lahat kung gaano kalakas sa masa ang tambalan ni Gerald kay Kim, samantalang si Bea naman ay ngayon pa lang nakakawala sa team-up nila ng perennial leading man niyang si John Lloyd.

Ang nangyayari nga sa showbiz ngayon, gusto ng fans na kung sino ang magkapareha sa screen ay siya ring magkapareha sa tunay na buhay. Kaya nagbubuo pa sila ng mga fan clubs sa paligid ng mga tambalang ito—at masama talaga ang loob nila sa sinumang kumalas sa tambalan.

Alam daw ito nina Bea at Gerald kaya tikom-bibig sila sa nararamdaman para sa isat isa.

[from pep.ph]

mahaderangusyosera


Wala akong masabi dito kasi di naman ito life-threatening na issue. Basahin nyo nalang ang balita ni Ruel Mendoza. Tseh!

Hindi nga napigilan ang bibig ni Michelle Madrigal na ilabas ang kanyang sama ng loob sa co-castaway niya sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown na si Aubrey Miles.

Kinumpirma nga ni Michelle na si Aubrey ang nagpapasimuno sa kung sino ang dapat tanggalin kapag may elimination na sa Tribal Council. Hindi naman daw masisisi ni Michelle ang ibang sumusunod kay Aubrey dahil hindi sila marunong maglaro at kasing-tuso ni Aubrey maglaro.

Tinawag nga ng boyfriend ni Michelle na si Jon Hall na isang Puppet Master si Aubrey at ito nga ang nagpapagalaw sa mga ka-alliance niya.

Binuking pa nga ni Michelle na kaya panay ang sunod ni Ervic Vijandre kay Aubrey ay dahil may gusto ito kay Aubrey since day one nila sa island.

“Hindi naman siguro kaila sa lahat na patay na patay si Ervic kay Aubrey, ‘di ba? Halatang-halata naman lalo na kapag nag-uusap sila,” mariing sabi ni Michelle.

“Alam kasi ni Aubrey kung sino ang puwede niyang laruin at nakakita siya ng alliance kay Ervic kasi nga type siya nito. Kaya madali for Aubrey to dictate what she wants kasi nga alam niyang susunod sa kanya. Nalalaro niya si Ervic kasi nga may something ito sa kanya.

“Pero bilib ako kay Aubrey kasi she knows how to play the game. Sana lang she would play it fair at hindi siya ‘yung naninira ng ibang tao.”

Masama nga ang loob ni Michelle kay Aubrey dahil hindi raw kasi ito sincere sa paghingi ng sorry sa kanya. Dinaan pa raw nito sa Twitter ang paghingi ng sorry sa kanya.

“I find it so fake. Ang plastic nang paghingi niya ng sorry sa akin. Bakit doon pa niya idadaan para mabasa ng maraming tao? Parati naman kaming nagkikita sa promo ng Survivor Philippines. She can easily talk to me at doon kami sa isang sulok at mag-usap.

“Pero hindi gano’n, eh. She wants the whole world to know na humihingi siya ng sorry sa akin. It’s not real to me. Kaya kung tatanungin ako kung plastik bang tao si Aubrey, ang sagot ko ay yes!” mataray na sagot pa ni Michelle.

Ikatlong member na nga si Michelle ng Tribal Jury na siyang magdi-determine kung sino ang karapat-dapat na manalo bilang Ultimate Sole Survivor. Banta ni Michelle na dapat ay magpakabait na ang mga dapat magpakabait dahil may power na siyang hawak sa kung sino ang deserving sa boto niya.


mahaderangusyosera


Madame Shalani, meron kanang isasagot sa pang Miss Universe na tanong na ito: What was the BIGGEST MISTAKE you've ever done in your entire life. *BOW*

Serbisyo-publiko pa rin daw para sa konsehala ng Valenzuela City na si Shalani Soledad ang pagtanggap niya sa alok ni Willie Revillame na maging co-host sa kanyang pang-araw-araw na programang Willing Willie.

At kahapon nga, Nobyembre 8, ay ipinakilala na ang newbie TV host bilang "puso" ng programa na inilunsad noong Oktubre 23 lamang.

Habang pinakikilala si Shalani kagabi, sinabi ni Willie, "Alam mo, Shalani, kailangan ka ng sambayanang Pilipino. Kailangan ka namin sa programa, para mas mapalawak pa namin yung pagbibigay ng saya at tulong sa kanila... So this time, magkasama tayo. Balewala naman lahat ng ito, e, kung hindi sila ang kasama natin.

"At salamat sa pagtanggap mo, hindi naman sa amin. Ako lang ang tulay ng mga taong gustong makasama't makilala ka pa. Salamat, dahil ako lang ang naging boses nila. Pero ang totoong may hiling sa 'yo, hindi ako, kundi ang sambayanang Pilipino."

Halos ganito rin ang naging sagot ni Shalani nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng show kagabi kung bakit siya pumayag na maging co-host ni Willie.

Aniya, "Siguro, kapag titingnan mo rin, marami pa ring questions. Kasi, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala that I am also here.

"Pero noong kinausap kasi namin si Willie, naramdaman ko 'yong sincerity ng offer. This is not about Willie, this is not about me, but it's more on kung ano ang magagawa para sa tao."

MGA PAGHAHANDA. Ayon kay Shalani, ilang beses din ang naging pag-uusap nila ni Willie bago siya pumayag na maging parte ng programa noong Biyernes, Nobyembre 5.

"This has been a series, 'no? Medyo matagal din. Then, finally, Friday night, nag-usap kami nina Willie. Then, on Saturday when we said yes, nag-visit na kami sa studio," kuwento ni Shalani.

At noong Sabado nga ay nagsimula na rin si Shalani na mag-rehearse para sa Willing Willie.

"We had one on Saturday night and kanina ulit before mag-start ang show," sabi niya.

"Pero kung tinatanong ninyo kung ano ang naging preparation ko aside from the rehearsal, sabi ko nga doble-doble ang dasal na ginawa ko."

Kung tutuusin, hindi ito ang unang pagsabak ni Shalani sa mundo ng telebisyon. Dati na siyang naging host ng morning talk show ng UNTelevision. Gayunman, ayon kay Shalani, bago pa rin ang Willing Willie para sa kanya.

Dagdag ni Shalani, "Siyempre, kinakabahan ako because this is a different show and different format. Although before, nag-UNTV rin ako. 'Yong show namin sa UNTV before is a morning show so more on current events and commentaries. So, totally different ito."

Sa kabila nito, siniguro naman ni Shalani na hindi makakaapekto ang trabaho niya sa Willing Willie sa pagiging konsehala niya sa ikalawang distrito ng Valenzuela.

"It won't really affect din naman because ang sessions din naman na pinupuntahan natin ay more on legislations naman."

Kailangan pa ng paglilinaw ito, pero sa ngayon ang tinanong ng PEP ay kung hindi ba siya mapapagod dahil bukod sa pagiging pulitiko, magiging araw-araw na rin ang kanyang trabaho sa Willing Willie?

Ngumiti si Shalani at sinabi, "Hindi ba, kapag gusto mo naman ang ginagawa mo, hindi ka naman maaapektuhan ng pagod."

[from pep.ph]

mahaderangusyosera


I am already excited to see the downfall of ABS-CBN..although Kapamilya naman ako ever since, it's undeniable that the station is slowly losing its luster. *cough*Idol*cough*Noah*cough*KapamilyaWinNaWin*cough*and now TVPatrol*cough*

As for Phoemela, don't worry dear, mas maganda at sexy ka naman kesa kay Gretchen whoeversheis. Chos!

Hindi lang pala sina Karen Davila at Julius Babao ang pinalitan sa TV Patrol dahil pati si Phoemela Barranda, tsinugi na rin at ang ipinalit sa kanya ay si Gretchen Ful-lido.

Tsika pa na gusto raw ng bagong head ng News Department ng ABS-CBN na bago ang lahat ng anchors sa TV Patrol, sa pangunguna ni Noli de Castro, Ted Failon at Korina Sanchez.

Anyway, nang makara-ting daw kay Karen na ang ipapalit sa kanya ay si Korina, nag-iiyak daw ito sa dressing room.

Pero ang latest na natanggap naming tsika, kahit tsi-nugi si Karen sa TV Patrol, mananatili pa rin siyang Kapamilya.

Pakiusap lang daw yata ni Ms, Karen, hindi siya puwede sa Bandila dahil sa gabi ito napapanood at bawal daw sa health niya ang sob-rang puyat.

Samantala, wala rin na-ging problema kay Julius dahil wala ito pakialam kahit natsugi sa TV Patrol kasi handa daw siya sa alinmang programang pagdadalhan sa kanya. Sabagay, importante naman sa paghahatid ng ba-lita, hindi kung sino ang nagbabalita nito kundi kung gaano ka-interesting ang ibi-nabalita ng anchor.

[from abs-cbn-kapamilya-aficionado.blogspot]

mahaderangusyosera


[from ABS-CBN News]

Actress Angel Locsin revealed that her family is now receiving death threats after her niece’s brutal murder in Cebu province last week.

The “Imortal” actress’s relative, 28-year-old Rachelle Sansan, was murdered in her residence in Barangay Perrelos, Carcar town in Cebu City.

Investigators said the victim's 44-year-old husband, Fernando Sansan, is being eyed as the prime suspect in the killing.

Rachelle is the granddaughter of Locsin’s aunt.

In an exclusive interview with ABS-CBN News, Locsin said Fernando is purportedly threatening to harm her and her family through text messages.

“Kapag hindi daw kami tumigil sa kasasalita may gagawin siya sa amin. Hindi ako natatakot sa iyo. Hindi ako natatakot, alam kong mahuhuli ka,” she said.

The actress was emotional during her interview where she described how her niece was tortured before she was murdered.

She said Rachelle, who was badly beaten and was almost decapitated, was treated worse than an animal.

“Nakakagulat kasi kung nakita ninyo lang talaga kung paano ang ginawa niya kay Ate Chelle. Pinutol ang mga daliri, binugbog. Sabi nga kahit bugbog lang puwede na siyang mamatay doon,” she said.

“Pagkatapos niyang bugbugin, marami siyang tama ng saksak gamit ang jungle bolo. Mayroon siyang seven fatal wounds sa buong katawan, tagusan sa puso, sa likod sa lahat. Yong leeg niya muntikang maputol,” she added.

She said she could not understand how anyone can harbor such hate toward someone he claimed he loved.

She appealed to the authorities to take action as Fernando still remains at large. She said she and her family are afraid Fernando will flee the country.

“Tumakas ang taong ito gamit ang kotse ni Ate Chelle, kasama ang nanay niya. Nakita ang kotse sa medyo malayong part na ng Cebu. Nakita ang nanay, sumuko na. Pero ngayon nakawala, nakapag-bail,” she said.

She also called on Fernando to come forward and surrender. She vowed no let-up in their efforts until he is captured.

The actress is also prepared to give a reward to anyone who can give information that would lead to his arrest.

Battered wife

Rachelle, according to Locsin, ran away from home because she was a battered wife. She said she went home on the day of the murder only to get some money.

“I'm not sure kung ilang weeks or months na siyang hindi umuuwi sa bahay na yon. Noong nalaman niyang wala doon ang asawa niya, pumunta siya kasi wala na siyang pera sa bangko, winidraw lahat,” she said.

“So, hinahanap niya ang papeles niya, ang mga pamana sa kanya… Tumawag daw ang nanay, inabutan siya doon, ginulpi. Paggulpi sa kanya nag- blood clot na ang mukha niya so pinikturan niya at sinend niya sa kapatid niya. Tumawag pa ang kapatid niya sa suspek na, ‘Ayusin ninyo yan.’ Sabi aayusin daw. Pagbaba ng telepono pinatay na siya,” she added.

She said her family had accepted him because Rachelle loved him. “Hindi namin alam kung bakit niya minahal ang tao na yon… pero dahil minahal siya ng pinsan namin, tanggap namin siya. Pero ang kapal ng mukha mo na ginawa mo sa pamilya namin ito.”

She said she is speaking up in order to protect her family, and to show Fernando that they are not afraid of him.



This is just tragic beyond words (katulad ng nangyari sa call center agent na si Katrina Gantan at ng iba pa jan)...sana sinusundo na ni satanas ang mga taong ito even before naging fetus pa sila.

mahaderangusyosera


At nag standing ovation lahat ng buhok ko sa English ni Manny dito. Wooohhh! Manny's English teachers back in Gensan should be very proud, at least!

mahaderangusyosera Sunday, November 7, 2010


La Greta always gives one of the most interesting and juicy interviews by a local showbiz celebrity. So that makes her a VERY interesting and rare TV persona. Rare, i say,kasi sino pa bang artista ang may ka sense2x kausapin ngayon? Aber?! Si Gerald Anderson? Diosko, dumating man ang araw na tutubuan ng matris si Vice Ganda, eh di pa rin madadagdagan IQ level niya. Tseh!

Socialite actress Gretchen Barretto said that she will never be caught wearing cheap panties.
"I'm sorry, but never. I'd wear anything cheap but that," she said in "The Grill" segment of ANC's "The Brew."

Asked why, Barretto replied, "Because I'm always ready!"

The "Magkaribal" star who's known for her lavish lifestyle, said that like ordinary people, she also wears cheap clothes like white shirts that she accessorizes. But she draws the line when it comes to inexpensive underwear.

When asked if she's willing to wear granny underwear, La Greta replied: "Never. I'd rather not wear anything at all."

Barretto who gamely answered questions about her life, including her past, even shared a thing that only her partner, business tycoon Tony Boy Cojuangco, knows.

"What people don't know is I wash my own underwear. Tony knows that. Now everybody knows that," Barretto said.

The actress answered questions from the hosts of "The Brew" (Twink Macaraig, Gang Badoy, and Nadia Trinidad) as part of the promotion for the finale of her hit TV fashion-serye, “Magkaribal.”

[from abs-cbnNEWS.com]