mahaderangusyosera Thursday, November 11, 2010


Wala akong masabi dito kasi di naman ito life-threatening na issue. Basahin nyo nalang ang balita ni Ruel Mendoza. Tseh!

Hindi nga napigilan ang bibig ni Michelle Madrigal na ilabas ang kanyang sama ng loob sa co-castaway niya sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown na si Aubrey Miles.

Kinumpirma nga ni Michelle na si Aubrey ang nagpapasimuno sa kung sino ang dapat tanggalin kapag may elimination na sa Tribal Council. Hindi naman daw masisisi ni Michelle ang ibang sumusunod kay Aubrey dahil hindi sila marunong maglaro at kasing-tuso ni Aubrey maglaro.

Tinawag nga ng boyfriend ni Michelle na si Jon Hall na isang Puppet Master si Aubrey at ito nga ang nagpapagalaw sa mga ka-alliance niya.

Binuking pa nga ni Michelle na kaya panay ang sunod ni Ervic Vijandre kay Aubrey ay dahil may gusto ito kay Aubrey since day one nila sa island.

“Hindi naman siguro kaila sa lahat na patay na patay si Ervic kay Aubrey, ‘di ba? Halatang-halata naman lalo na kapag nag-uusap sila,” mariing sabi ni Michelle.

“Alam kasi ni Aubrey kung sino ang puwede niyang laruin at nakakita siya ng alliance kay Ervic kasi nga type siya nito. Kaya madali for Aubrey to dictate what she wants kasi nga alam niyang susunod sa kanya. Nalalaro niya si Ervic kasi nga may something ito sa kanya.

“Pero bilib ako kay Aubrey kasi she knows how to play the game. Sana lang she would play it fair at hindi siya ‘yung naninira ng ibang tao.”

Masama nga ang loob ni Michelle kay Aubrey dahil hindi raw kasi ito sincere sa paghingi ng sorry sa kanya. Dinaan pa raw nito sa Twitter ang paghingi ng sorry sa kanya.

“I find it so fake. Ang plastic nang paghingi niya ng sorry sa akin. Bakit doon pa niya idadaan para mabasa ng maraming tao? Parati naman kaming nagkikita sa promo ng Survivor Philippines. She can easily talk to me at doon kami sa isang sulok at mag-usap.

“Pero hindi gano’n, eh. She wants the whole world to know na humihingi siya ng sorry sa akin. It’s not real to me. Kaya kung tatanungin ako kung plastik bang tao si Aubrey, ang sagot ko ay yes!” mataray na sagot pa ni Michelle.

Ikatlong member na nga si Michelle ng Tribal Jury na siyang magdi-determine kung sino ang karapat-dapat na manalo bilang Ultimate Sole Survivor. Banta ni Michelle na dapat ay magpakabait na ang mga dapat magpakabait dahil may power na siyang hawak sa kung sino ang deserving sa boto niya.


0 comments:

Post a Comment