mahaderangusyosera Thursday, October 28, 2010


[via TAKE IT! TAKE IT! ni Lolit Solis]

Itsurang nasa Paris si Solenn Heussaff, may resbak agad siya laban kay Derek Ramsay.

Ex-lovers sina Derek at Solenn. Mabilis na nakara ting kay Solenn ang sinabi ni Derek na mas yummy si Angelica. Ang sagot ni Solenn? Mas gentleman at guwapo si Richard Gutierrez kesa kay Derek.

Nadawit ang name ni Richard sa isyu dahil nali-link siya kay Solenn. Reading between the lines, halatang hindi natuwa si Solenn sa comparison na ginawa ni Derek na sagot nang sagot sa mga tanong ng mga reporter sa presscon ng Belo Men.

Hindi muna inalam ni Derek kung totoo na sinabi ni Solenn na hindi siya “yummy.” Ang totoo, hindi sumagot si Solenn nang tanungin ko ito kung delicious si Derek sa kanyang kauna-unahang presscon. Nag-Mona Lisa smile lang siya.

Pinatunayan ni Solenn na hindi siya kiss-and-tell.

Tinalbugan pa siya ni Derek na nag-dialogue pa na “sasagutin ko ‘yan” sa bawat tanong ng mga reporter tungkol kay Solenn.

Mukhang wala namang intensiyon si Derek na insul tuhin si Solenn. Naging game lamang siya sa pagsagot sa mga nakakalokang tanong ng showbiz press.


Sana next week si Gerald naman ang tanungin: Sino mas yummy -- si Kim o si Bea? Tseh!

0 comments:

Post a Comment