mahaderangusyosera Thursday, October 28, 2010


Seriously. I'm not really familiar with the war between Cristine Reyes and Pauleen Luna. But whatever. I like Pauleen more.

PINAGSABIHAN na si Pauleen Luna na huwag nang patulan ang mga tweet ni Cristine Reyes na obvious na si Pauleen ang pinatatamaan.
Pagkatapos magpa-interview ni Pauleen sa Paparazzi, naungkat na naman ang mga matagal nang isyung hindi na dapat balikan. Kaya may mga ilang involved sa isyu na nag-react at isa na rito si Cristine.
Kinagabihan ay nag-post si Cristine sa Twitter, “Wawa naman. Kung puwede ko lang ibigay sa kanya itong mahaba kong hair, noon ko pa ginawa. Nahahabag na ako, ‘til now, she can’t let go.”
Ayaw nang sagutin pa ito ni Pauleen dahil mu ling natanong daw ito sa kanya ni Tita Cristy Fermin kaya sinagot lang daw niya at walang kasinungalingan iyun.
Kahit anong pilit pa raw na tanong sa kanya tungkol sa mga ganu’ng isyu, hindi na raw niya ito sasagutin para hindi na humaba pa itong mga inaamag nang isyu.
Ang mahalaga, makapagtrabaho na lang siya na walang intrigang kasasangkutan.


[from abante-tonite.com]


0 comments:

Post a Comment