mahaderangusyosera Tuesday, December 14, 2010


PAGKATAPOS ng mahabang litanya ni Cristine Reyes ay si Angelica Panganiban naman ang sumunod na may pasaring sa Twitter nu’ng Linggo.
“Naloloka ako... Ang important ko!!! Grabe! Damang-dama ko sa pagpapahalaga n’yo sa ‘kin. Palakasan talaga dito sa industriyang ‘to!!” ang unang tweet ni Angelica.
Sunod niyang tweet, “Kaya ‘di umuunlad eh... Palakasan lang. Pala­kasan!!! Echusera! Mapapansin ka lang ‘pag galit ka na talaga. Kailangan pa bang umabot du’n?”
Dahil mainit pang pinag-uusapan ang mga pasabog ni Cristine nu’ng mga oras na ‘yon, akala ng marami ay may kaugnayan doon ang mga tweet ni Angelica.
Paglilinaw niya, “‘Di ko alam na may gulo palang iba sa Twitter nga­yon. So, bukas ko na lang itutuloy ‘yung init ng ulo ko. Sila muna ngayon.”
Tapos ay ni-ReTweet ni Angelica ‘yung isang message ng isa niyang follower na nagsabing, “Nu’ng ikaw inaaway ni Clau (Claudine Barretto), tikom ka. Tapos now, ‘di naman ikaw inaaway, nakikialam ka... ‘wag na palakihin, pls.”
Sagot dito ng nobya ni Derek Ramsay, “Saan ka nanggaga­ling? Ikaw, may problem ka ba? Kasi ako, mabigat. So, ‘wag ka nang sumali. ‘Di naman kita kilala.”
Ang sumunod na tweet ni Ange­lica ay, “Ganda ng status ko sa pezbuk! Pag dito ko nilagay, baka mee­ting kaagad ako bukas. Ha! Ha!!!”
Ang huling tweet niya ay, “Ano itong team team kyeme? Wala akong team! ‘Di ako su­mali ng volleyball o basketball. ‘Di ako interested sa away nila.
“Kaya na nila ‘yan. So, feeling n’yo, ‘pag may tweet tonight, inaaway na kaagad si Sarah o Cristine? Labo n’yo meyn!!! Ha! Ha! Ha!”
Hanggang sa tinitipa namin ito kahapon nang hapon ay wala pa ‘yung ipinangakong tweet ni Angelica tungkol sa dahilan ng pag-init ng ulo niya.

[from abante-tonite.com]

0 comments:

Post a Comment