mahaderangusyosera Friday, December 10, 2010


[via TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis]

Hindi dapat sineryoso noon ang word war ng estranged couple na sina Kris Aquino at James Yap.

Kita n’yo naman, panay ang pagpapalitan nila noon ng mga maanghang na salita pero ano ang ending? Magkasundo na sila at pumayag pa si James na umapir sa filmfest movie ng kanyang ex-misis. May lakas pa ng loob si James na mag-dia­logue kay Kris ng “Nami-miss mo ako ’no?”

Ang moral of the story, huwag pakialaman o makisangkot sa away ng mag-asawa dahil darating ang panahon na magkakasundo sila at ang mga tao na nakisawsaw sa isyu ang magmumukhang kontrabida!

Ewan ko lang kung ikinonsulta ni James sa kan­yang lawyer na si Atty. Lorna Kapunan ang pag-apir niya sa pelikula ni Kris. Si Atty. Kapunan ang spokes­person ni James at siya ang sumasagot noon sa mga paratang ni Kris laban sa kanyang kliyen­te. Ang ending, friends sina Kris at James at hindi natutuwa si Kris sa madalas na pagpapainterbyu noon ni Atty. Kapunan.

0 comments:

Post a Comment