mahaderangusyosera Friday, December 10, 2010


Bigyan nyo ng SUPER COLD ice lemonade ang ulo ni Tita Anabelle. Dali!

NAIKUWENTO sa amin ng isang taong malapit kay Heart Evangelista na nakatanggap daw ito ng demand letter mula sa abogado ni Tita Annabelle Rama.
Ito pa rin ang isyung paglabas ni Heart sa fashio­n show ni Inno Sotto na hindi ipinarating kay Tita Annabelle.
Hindi lang si Heart ang nakatanggap ng naturang letter kundi pati ang mommy nito at si Inno.
Nakausap namin si Tita Annabelle kahapon at binigyan daw sina Heart ng sampung araw na sagutin ang naturang sulat.
Depende raw sa sagot ng kampo nina Heart at Inno, pag-aaralan ng abogado ni Tita Annabelle kung itutuloy nila ang pagsasampa ng kaso.
Breach of contract daw iyun dahil hanggang ngayon ay ma­nager pa rin ni Heart si Tita Annabelle.
Matagal na naming natanong kay Heart ang tungkol sa isyung ito at nagulat siya dahil wala raw bayad iyun.
Sumali lang daw siya sa fashion show na iyun dahil kay Inno at maganda ang exposure na ibinigay sa kanya.
“Hindi ako naniniwala na walang bayad ‘yan, dong! Kilala ko ang nanay niyan, hindi papayag iyan na walang bayad!” tili sa amin ni Bisaya.
“Kabastusan ‘yan, eh! Ako ang nagpasikat sa babaeng ‘yan! Ako ang nag-asikaso sa career niya!”
Wala pa raw muna siyang maidagdag pa sa ngayon dahil hinihintay lang daw niya kung anong ipapayo sa kanya ng abogado niya.
Nilinaw na rin sa amin ni Tita Annabelle na hindi raw talaga kasali si Ruffa Gutierrez sa show na iyan.
Wala raw nag-imbita sa kanila at wala raw kamalay-malay si Ruffa na isasali pala dapat siya roon.
Nagulat lang daw siya na may mga kaibigan itong tumawag sa kanya na hinahanap doon si Ruffa.
Marami raw silang mga kakilala na nanood ng fashion show na iyun dahil ang buong akala raw nila, may participation ang mga anak nito, pero wala raw nagsabi sa kanya.
Si Ruffa naman daw ang isa sa mga taga-showbiz na unang customer ni Inno.
Ang pagkakaalam daw niya, dapat na manonood doon si Raymond pero hindi na raw ito tumuloy.
Patuloy pa rin ang bangayan nina Tita Annabelle at Heart, pero sinabihan na kami ng ina nito na hindi na sila magsasalita ng kahit ano kapag tungkol kay Tita Annabelle.

[from abante-tonite.com]

0 comments:

Post a Comment