mahaderangusyosera Tuesday, December 14, 2010


This is the first time I've come across her name, but I guess her star is on the rise now, given that she's the leading lady of Vic Sotto in 'Si Agimat at Si Enteng '.

And in fairness, pretty sya teh!

Blangko ang reaksyon pero halatang nag-isip nang malalim si Gwen Zamora nang tanungin siya sa presscon ng Si Agimat at Si Enteng Kabisote tungkol sa pagkakaugnay ng kanyang mga pangalan kina Boy2 Quizon at Ervic Vijandre.

“Sinabi niya ‘yon?” ang balik-tanong na sagot ni Gwen nang itanong sa kanya ang kuwento na nagsalita siya kay Ervic ng “Huwag mo akong gamitin (para sumikat ka)”.

May sizzling issue tungkol kina Boy2 at Gwen pero patay-malisya ito nang mabanggit ang pangalan ng kasamahan niya sa Bubble Gang.

Si Gwen ang leading lady ni Vic Sotto sa Si Agimat at Si Enteng at ito ang biggest break niya sa showbiz.

Sa presscon ng pelikula, parang pinaglaruan ni Vic si Gwen dahil pinaulit niya ng dalawang beses ang reaksyon ng baguhang aktres nang malaman nito na siya ang napili para gumanap bilang bagong Faye sa buhay ni Enteng.

[from abante.com.ph]

0 comments:

Post a Comment