mahaderangusyosera Friday, November 26, 2010


Di ba masyado nang gurang si Iza para sumali pa sa mga international beauty pageants? Basahin nyo nalang ang scoop na toh, via journal.com.ph:

NAIKUWENTO sa amin ng ama ni Iza Calzado na si Direk Lito na may kumukuha sa anak niya para lumaban sa beauty pageant na Queen of the World na idaraos sa Germany nga-yong December at lalahukan ng 86 countries.

Ang local coordinator daw ang kumakausap kay Direk Lito para isali si Iza sa nasabing beauty pageant.

Ilang beses na raw siyang kinukulit ng naturang coordinator para kumbinsihin ang anak na si Iza na sumali. Malaki kasi ang paniwala ng local coordinator na puwedeng maiuwi ni Iza ang korona dahil na rin sa galing ng aktres na magdala ng sa-rili, na kitang-kita sa kanyang soap na Beauty Queen, kung saan naibu-yangyang ang kaseksihan ng aktres sa pagsusuot ng swimwear.

Bukod dito, napakaganda raw ng mukha ni Iza kaya pasok na pasok ito sa pageant

Ang problema, hindi puwedeng si Direk Lito lang ang magdesisyon dahil GMA7 ang nagpapatakbo ng career ng anak.

Isa pa, malabong makaalis ng bansa si Iza dahil sa sunud-sunod ang taping nito para sa kanyang teleserye.

Kung siya lang daw ang masusunod, puwede ni-yang payagan si Iza na su-mabak sa naturang beauty pageant dahil alam niya ang kakayahan ng anak.

’Yun nga lang, career naman ng anak ang nakasalalay.

Anyway, hindi man ma-tuloy si Iza sa pagsali sa Queen of the World, proud pa rin si Direk Lito sa anak dahil puwede talaga itong maging tunay na beauty queen.

0 comments:

Post a Comment