mahaderangusyosera Friday, November 26, 2010


Ayokong tawaging stalker ang Japanese guy na toh para di naman ako magmukhang racist ngayon. I wish him all the best and hope ko rin yummy xa para di xa mahirapan kunin ang loob ni Glaiza. Chos!

Sa fans day ni Glaiza de Castro sa Activity Center ng Star City, may nakita kaming Japanese guy na aliw na aliw nakikipagsiksikan sa fans ng aktres.

Napag-alaman namin sa manager ni Glaiza na si Direk Manny Valera na tagahanga pala ito ng star ng Grazilda, na kahit saan daw happenings ni Glaiza, present ang naturang Japanese guy.

Tsika pa ni Direk Manny, lagi raw pinadadalhan ng noodle na nasa cup na galing pa sa Japan si Glaiza kaya raw pati siya, sangka-tutak ang noodle sa opisina.

Mabait naman daw ang guy at close din sa pamilya ni Glaiza dahil lagi nga itong nasa okasyon ni Glaiza para suportahan ang Kapuso star.

At take note, walang pakialaman ang Japanese guy na tumatayo rin sa harap ng stage habang kinakantahan ni Glaiza ang fans.

[from journal.com.ph]

0 comments:

Post a Comment