mahaderangusyosera Tuesday, November 16, 2010


Oh lord, wala na bang ibang boylet jan teh?

DAHIL SA PANLALAGLAG ni Ruffa Gutierrez kay DJ Mo Twister sa Paparazzi, nagkabukingan tuloy na may namumuong magandang relasyon sa kanila ni Rhian Ramos.

Paliwanag ni DJ Mo, sa Twitter account lang daw nila ang source ni Ruffa kung bakit niya sinabing magkasama sila ni Rhian sa Paris. Pero itinatanggi ito ni Mo at ang sabi, sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho lang ang kasama niya. Nu’ng nasa Paris daw siya, nasa Europe din daw nu’n si Rhian pero hindi lang knowing kung saang bahagi ng Europe.

Kaya lang naglabasan na ngayon ang mga tsikang may relasyon talaga itong sina DJ Mo at Rhian na tiyak itatanggi naman nila iyan.

Siyempre, may pinag-usapan naman kami ni DJ Mo na hindi ko muna puwedeng i-share dahil nag-promise naman ako, kaya wala na akong puwedeng maidagdag diyan.

Tumanggi naman si DJ Mo, wala pang sinasabi si Rhian dahil nasa Amerika pa ito. Pero pagdating niya, magkakaalaman din ‘yan. Iyan ay kung magsasalita si Rhian ng totoo.


[by Lolit Solis]

0 comments:

Post a Comment