mahaderangusyosera Friday, November 26, 2010


Nakuha ko ang title na toh sa journal.com. Ano ba ka mysterious ang bf ni Rufa Mae at dinescribe talagang 'mysterious'? Siya bay isang politikong ayaw ma-link kay RufaMae (chArot!), isang non-showbiz bf, isang goon, isang C.I.A, bampira, o baka naman engkanto? Ano ba talaga ka 'mysterious' yan teh?

Halatang iniiwasan ni Rufa Mae Quinto na pag-usapan ang tungkol sa pagkakaudlot ng kanyang kasal ngayong taon.

Marami pa naman ang nag-aabang sa magiging announcement niya sa Showbiz Central last Sunday pero bigo ang lahat dahil mabilis niyang iniiwasan na pag-usapan ang tungkol sa kanyang lovelife.

Obviously, walang kasalang magaganap kay Rufa Mae at sa kanyang mysterious boyfriend na si Mr M.

Marami tuloy ang naghinala na hiwalay na sila at ayaw lang aminin ni Rufa Mae.

Paano na ang bahay na ipinatayo ng kanyang dyo-wa sa San Francisco, California na dapat sana ay titirhan nila kapag nakasal na sila?

Hindi naman nakitaan ng kalungkutan si Rufa Mae dahil nandiyan naman ang mga kaibigan niya sa Bubble Gang na laging nakasuporta at nagbibigay ng payo.

[from journal.com]

3 comments:

Post a Comment