mahaderangusyosera Friday, November 26, 2010


Maganda at seksi pa rin naman si Jennylyn, so go teh! Tingnan lang natin kung sinong luluha sa pagka-miss kay Jen. *ehem-patrick-ehem-mark-ehem*

Hubad kung hubad si Jennylyn Mercado sa isang eksena sa trailer ng festival entry niyang Rosario ng Cinemabuhay, Inc. First time niyang ginawa ‘yon sa kanyang acting career kaya naman may nagsasabing tatanghalin siyang Best Actress sa filmfest.

“Hindi ako sanay sa daring scenes kaya first time ko ‘yon. Pati nga ang pagyoyosi. Isa sa pinaka-challenging ‘yon kasi hindi ako nagsisigarilyo!

“Pero kailangan kong matuto na walang filter. Kaya during break, tinuturuan ako ni direk (Albert Martinez), ng mga AP (associate producer) na ganito at hanggang sa natuto ako.

“Hindi ko naman nadala ‘yon! Malaki ang tiwala ko sa production at kay direk (Albert) kaya hindi ako nagdalawang-isip na gawin ang lahat ng ipagawa sa akin!” paliwanag ni Jen.

This early, nakakaramdam ng matinding pressure si Jennylyn dahil strong contender daw siya sa best actress award?

“Oo, malaki ang pressure! Kumbaga, si Rosario ang magdadala ng pelikula. Kung hindi ako na ging maayos dito, sira lahat! Hindi ako nagkamali ng desisyon nang mabasa ko ang script kahit late ko nang nabasa ang script,” sagot niya.

Malaki ba ang talent fee niya sa movie para pumayag gawin ang mga daring scenes?

“Naku po, ayokong pag-usapan ‘yan! Worth it naman! Ha! Ha! Ha!”

Eh, kumusta naman ang love scenes nila ng boyfriend niyang si Dennis?

“Kinakabahan ako, pero si Dennis, nakaalalay sa akin! Iba kasi’yung ginagawa mo kapag maraming nanonood sa ‘yo. Parang iba ang pakiramdam. Medyo nanginginig pa nga ako dahil ‘yung dibdib ko, iba, eh! Nakaalalay si Dennis sa akin. Nagbibigay ng advice na relax lang ako.

“Very memorable ‘yung first time na magpakita ako ng flesh! Hindi ako nakatulog. Hindi masyadong makakain dahil sa sobrang nerbyos! Naiiyak ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Pero ginawa akong komportable ni direk Albert!” kuwento pa ni Jennylyn.

[from abante.com]

0 comments:

Post a Comment